Babae sa argentina, tiklo nang madiskubreng marijuana pala ang kanyang ‘ipinagbubuntis’
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

SA halip na sanggol, bungkos-bungkos na marijuana pala ang ipinagbubuntis ng isang babae sa Argentina.

Nagsuot ang drug smuggler ng prosthetic upang magmukha siyang nagbubuntis. Sa nasabing prosthetic din niya ikinarga ang higit apat na kilo ng marijuana bago siya nahuli ng mga awtoridad noong nakaraang Nobyembre 13.

Hindi na nakalayo ang pekeng buntis dahil arestado kaagad siya at ang isa pa niyang kasama sa isang police checkpoint sa Valle de Unco, na malapit sa border ng Argentina at Chile.

Nakasakay ang dalawa sa bus nang parahin ng mga pulis. Pinababa ang dalawa nang madiskubre ng mga awtoridad ang dalawang bloke ng marijuana sa bagahe ng lalaking kasama ng babae.

Nang pinababa ang dalawa, noon na nadiskubre na hindi pala sanggol ang nasa loob ng “sinapupunan” at sa halip ay 15 bloke ng marijuana na pinagkumpul-kumpol gamit ang pandikit.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with