^

Punto Mo

Lalaki sa Australia, nakaligtas sa buwaya matapos dukitin ang mga mata nito

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG wildlife ranger sa Australia ang masuwerteng nakaligtas mula sa pag-atake ng isang buwaya matapos niyang dukitin ang mga mata nito.

Nangisda si Craig Dickmann noong isang linggo sa isang liblib na bahagi ng Northern Australia na tinaguriang ‘croc country’ dahil pinamumugaran ito ng mga buwaya.

Paahon na sa pampang si Dickmann nang bigla na lang may sumunggab na buwaya mula sa kanyang likuran at sinagpang ang kanyang binti.

Nakipagbuno ang 54-anyos sa buwaya, na tinangka siyang kaladkarin papunta sa ilalim ng tubig.

Ang pagdukit lang sa mata ng buwaya ang naisip na paraan ni Dickmann upang lubayan siya nito dahil iyon lang daw ang bahagi ng katawan ng hayop na malambot.

Sa tindi ng pagdukit niya sa mata ng buwaya ay nagawa niyang sakyan at tuunan ang mga panga nito upang hindi na siya makagat.

Sa huli ay mukhang parehas daw silang napagod ng buwaya kaya nang umalis daw siya sa pagkakadagan ay kusa na raw bumalik sa tubig ang buwaya.

Nagawa pang magmaneho ni Dickmann ng 45 minuto bago siya nalapatan ng paunang lunas at naitakbo sa ospital kung saan siya ngayon nagpapagaling.

Hinuli naman at pinatay ang buwayang umatake sa kanya dahil sa panganib na dulot nito.

vuukle comment

CRAIG DICKMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with