^

Punto Mo

EDITORYAL- Presyo ng bigas nananatiling mataas

Pang-masa
EDITORYAL- Presyo ng bigas nananatiling mataas

Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas sa mga palengke ay naglalaro sa mahigit P30 ang kilo. Kung gusto nang maganda-ganda, makakabili ng P40 bawat kilo at ‘yung malambot at mabango, mabibili ng P50 ang kilo. Bakit ang mahal pa rin? Kung kailan dumagsa ang bigas mula sa ibang bansa, saka nagmahal. Nasaan na ang sinabi ni President Duterte na gusto raw niya ay maibalik sa presyong P7 bawat kilo ng bigas. Gusto niya huwag mahirapan ang mga tao sa pagbili ng bigas. Kaya nga pinaapura niya sa mambabatas na maipasa ang Rice Tariffication Law. Naaprubahan naman ang batas at nagkabisa noong nakaraang Marso.

Sa pagkakaapruba ng batas, naging maluwag na ang importasyon ng bigas. Kahit sino, puwedeng mag-import basta susunod lang sa batas. Kaya ang nangyari, sobrang dami ng bigas na dumarating sa bansa. Nag-uumapaw ang bigas sa pamilihan.

Ayon sa report, malapit nang maging number one sa pag-import ng bigas ang Pilipinas. Malapit na umanong malampasan ang China sa pag-import ng bigas. Umano’y nagpapantay na ang Pilipinas at China sa 3.1 milyong tonelada ng bigas na inimport noong nakaraaang Oktubre. At maaaring malampasan ng Pilipinas ang China bago raw matapos ang 2019.

Ang nakapagtataka nga lang ay kung bakit hindi bumababa ang presyo ng bigas. Ang sinasabing pagbaba ng presyo nito gaya ng sinabi ng Presidente na P7 bawat kilo ay tila isang bangungot lang. Nagkamali ba sa liberalisasyon ng pag-iimport ng bigas?

Isa pang nakapagtataka ay ang biglang pagbagsak ng bawat kilo ng palay na ibinibenta ng mga lokal na magsasaka. Kung dati ay naibebenta nila ng P14 bawat kilo, may nagsasabing naibebenta lang ngayon ng P8 hanggang P9. Bakit nagkaganito? Umaangal ang mga magsasaka sa nangyayaring pagbaba ng pres­yo ng palay mula nang ipatupad ang tariffication law.

Dapat rebyuhin ang batas sapagkat hindi ganito ang inaasahan ng mamamayan na walang pagbaba sa presyo ng bigas. Ang karampot na suweldo ay para lang sa iilang kilo ng bigas. At bakit napakamura ng palay kapag binibenta at kapag bigas na, sobrang mahal naman. May mali sa tariffication law.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with