EDITORYAL - Patuloy sa paghahanap ng ‘honest’ PNP chief
(Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

NAHIHIRAPAN umano si President Duterte na humanap ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP). Isang buwan na ang nakararaan mula nang mag-leave si dating PNP chief Gen. Oscar Alba­yalde makaraang madawit sa operasyon ng “ninja cops” noong 2013 kung saan siya ang police director ng Pampanga. Labintatlong pulis na nasa ilalim ng kanyang pamumuno ang inakusahang nag-recycle ng shabu. Sa Senate hearing, lumalabas na inaarbor ni Albayalde ang kanyang mga tauhan. Nagretiro si Albayalde noong Nobyembre 8.

Nagalit si Duterte sa nangyaring kontrobersiya sa PNP at nasabi na kung demonyo ang “ninja cops” mas demonyo siya.’’ Pinagmumura niya ang mga matataas na pinuno ng PNP dahil sa “ninja cops”.

Marahil ang mga nangyaring iyon ang dahilan kaya hanggang ngayon, wala pang napipili ang Presidente na permanenteng PNP chief. Sa kasalukuyan, si Lt. General Archie Gamboa ang officer-in-charge ng PNP.

Mahirap talagang pumili ng bagong pinuno ng PNP. Kailangan ay idaan sa butas ng karayom. Mahirap nang magkamali. Kailangan talaga ay malinis at mapagkakatiwalaan ang pipiliing PNP chief. Mahalaga ito para maisulong at maipatupad ang mga batas para sa ikagagaling ng bansa. Lalo pa nga ang pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal na droga. Tanging ang PNP ang makatutulong para maisagawa ang pagdurog sa sindikato ng droga. Sa kasalukuyan, malaki ang problema sa illegal drugs at aminado ang Presidente na bigo ang drug campaign. Sa kabila na araw-araw ay may nahuhuling drug pushers at maraming nakukumpiskang shabu, patuloy ang problema. Dagsa pa rin ang droga at walang pagkaubos.

Kahit na magtagal ang pagpili sa bagong PNP chief, okey lang ito. Ang mahalaga, ang mapipili ay malinis, mapagkakatiwalaan at may “kamay na bakal” na handang basagin kahit mga kabaro. Mahalaga ito sapagkat mababa ang pagtingin ng mamamayan sa mga pulis ngayon dahil sa ginagawang kasamaan.

Ipagpatuloy ang masusing pagpili sa PNP chief.

 

HONEST’ PNP CHIEF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with