Sugar Mommy (207)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

HINDI inaasahan ni Jericho ang sinabi ni Manong Sixto ukol kay Jane.

“Biyuda na si Jane, Jericho. Kamamatay lang ng asawa niya. Nabaril ng mga pulis na nagsasagawa ng drug operations.’’

Hindi makapagsalita si Jericho. Ang alam niya, gumagamit ng droga ang asawa ni Jane. At isa ito sa dahilan nang kanilang paghihiwalay. Ayon pa kay Jane, lagi siyang binubugbog ng asawa. Mayroon din umano itong kinakasamang babae sa isang probinsiya.

“Kahit na masama ang ginawa ng kanyang asawa, si Jane pa rin ang nagpali-bing dito. Wala na kasing ibang magpapalibing dahil itinakwil na rin ng mga kaanak ang lalaki,” sabi pa ni Manong Sixto.

“Nasaan po si Jane nga-yon?’’

“Nasa Pinamalayan pa rin. Doon na siya naninirahan dahil nakatagpo raw siya ng katahimikan doon.’’

“Ang kanyang anak na babae, nasaan?’’

“Nasa Australia.’’

“Hindi po nagtutungo rito sa Maynila si Jane?’’

“Nagtungo rito noong ipalibing ang asawa at mula nun, hindi na. Talagang sa Pinamalayan na siya naglalagi. Kami ng misis kong si Perla ang umuuwi sa Pinamalayan at binibisita siya.’’

Napahinga nang malalim si Jericho.

“Gusto mong dumalaw sa bahay Jericho? Baka may oras ka e dumalaw ka?’’

“Opo. Pero may kasalanan ako Manong. Hindi ko nadala ang pasalubong na pinangako ko sa inyo.’’

“Okey lang yun. Dumalaw ka sa bahay.’’

“Sige po.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with