^

Punto Mo

Sugar Mommy (206)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAKIKIRAMAY ako sa nangyari sa’yo Jericho,” sabi ni Manong Sixto.

“Maraming salamat Manong Sixto. Isang taon na po ang nakararaan mula nang mamatay ang asawa ko. Leukemia po ang dahilan.’’

“Kaya pala ang tingin ko ay malungkot ka Jericho.’’

“Bahagya pa lang po na nakakabawi sa nangyari, Manong. Masakit pa po sa dibdib.’’

“Makakayanan mo rin yan. Siyempre masakit ang mawalan ng mahal sa buhay.’’

“Nurse po ang asawa ko, Manong. Sa Saudi po kami nagkakilala. Napakabait po niya at napakalambing. Wala po siyang makakapalit sa puso ko.’’

“Ilang taon kayong nag-sama, Jericho?’’

“Isang buwan lang po, Manong.’’

“Napakaikli pala.’’

“Ayaw nga po ng asawa ko magpakasal kami dahil mabibiyudo lang daw ako. Pero ako ang nagpumilit. Gusto ko bago may mangyari sa kanya ay kasal kami. At ‘yun nga po, isang buwan makaraang ikasal kami, namatay siya.’’

“Ibig sabihin bago pa kayo ikasal, may taning na ang buhay ng asawa mo.”

“Opo. Nakaplano na po ang pagpapakasal namin nang ma-diagnose na may cancer siya. Ganunman, kahit may sakit siya tuloy pa rin ang plano. Kung ano ang napagkasunduan namin, tuloy ang lahat. At nagpakasal nga po kami.’’

“Hanga ako sa’yo Jericho.’’

“Sa totoo lang po, nang mamatay po ang asawa ko, nawalan po ako ng direksiyon. Parang ayaw ko nang mag-move on. Pero dahil po sa payo ni Mama at ng Ninong ko, nakapag-isip ako.’’

“Salamat naman at na-kabawi ka.’’

“Oo nga po. Maayos na po ako ngayon.’’

Natahimik sila.

Saka may sinabi si Manong Sixto ukol kay Jane. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with