100 payo mula sa centenarians
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

(Part 5)

… para magkaroon ng happy, healthy and long life kagaya nila:

56. Nakaranas ka na ba na parang nasa dulo na ng dila mo ang salitang nais mong sabihin pero napatigil ka dahil hindi mo maisip kung ano iyon. Habang tumatanda, humihina ang ating memorya. Ganito ang dapat gawin para maging aktibo ang utak at mag-improve ang memory: Kuyumin ang palad nang mahigpit. ‘Yung ginagawa sa kamay kapag makikipagsuntukan. Hayaang nakakuyom ang palad ng 15 minutes. Gawin ito ng tatlong beses maghapon.

57. Alam n’yo ba ang alamat ng plantsahan o ironing board? Una muna siyang naging surfing board bago naging ironing board. Na­ging ironing board lang siya sa bandang huli dahil isinuko niya ang kanyang pangarap na maging kampiyon sa surfing. Dapat hindi ka ganoon. Habang humihinga, ipagpatuloy ang pag-abot sa pangarap. Huwag pumayag na maging plantsahan lang.

58. Habang tumatanda, tayo ay nagiging ututin. Para mabawasan ang pag-utot, kumain ng hinog na saging, fresh pineapple, luya, papaya, celery at yogurt.

59. Kung wala namang masamang epekto sa iyo, huwag kontrahin ang opinyon ng iba. Ang opinyon ay parang puwet, lahat ay mayroon nito. Kanya-kanya lang ng opinyon. Walang basagan ng trip.

60. Mababa man o mataas ang iyong posisyon sa trabaho, sikapin mong maging pinakamahusay na tagalinis ng toilet o CEO (Chief Executive Officer) sa balat ng lupa.

61. Kapag matanda ka na, don’t get a boyfriend/girlfriend, get a cat or dog.

62. Para maging maganda ang posture hanggang sa pagtanda: Shoulders back, boobs out !

63. Kung hindi mo kayang maging mabait sa ibang tao, ingatan mo na lang ang sarili mo sa mga taong alam mong may galit sa iyo.

64. Huwag sunugin ang tulay. Baka biruin ka ng tadhana, kailanganin mong tumawid muli sa tulay na iniwanan mo. Nagpapahayag ito ng pagpapanatili ng magandang relasyon sa mga tao sa iyong paligid, lalo na sa dating employer.

65. Mag-ipon ng pera.

Itutuloy

CENTENARIANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with