British runner, nag-marathon sa 196 na bansa
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

ISANG British athlete ang naging pinaka kauna-unahang tao sa mundo na makakumpleto ng isang marathon sa lahat ng 196 na bansang kinikilala ng United Nations.

Ayon sa 30-anyos na si Nick Butter ng Dorset, England ay nagma-marathon na siya simula noong siya’y 11-anyos pa lamang. Naisipan daw niyang simulan ang target niyang makapagmarathon sa lahat ng bansa sa mundo noong January 2018 upang makalikom ng donasyon para sa isang grupong Prostate Cancer UK.

Tinakbo ni Butter nitong nakaraang Linggo ang isang marathon sa Greece, na siyang huli sa kanyang listahan ng 196-bansang world tour.

Ayon kay Butter ay hangga’t maari ay sumasali siya sa mga organisadong takbuhan ngunit madalas ay mag-isa lamang niya tinatakbo ang 42 kilometrong katumbas ng isang marathon.

Hindi rin daw naging madali ang mga naging pagtakbo niya.

Nariyang makagat siya ng aso at ma-holdap habang siya at tumatakbo. Minsan na rin daw siyang tumakbo kasama ng isanlibong katao sa El Salvador at sa paligid ng mga pumuputok na bulkan.

Nasa 592 na marathon na ang natatakbo ni Butter sa buong buhay niya ngunit wala raw siyang balak tumigil. Sa katunayan ay ilang araw lang daw siyang mamamahinga dahil kapag tumagal ay hahanapin na raw ng katawan niya ang pagtakbo.

NICK BUTTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with