Kapit pa sa mas matinding trapik!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Nakahanda na ba kayo sa mas matinding kalbaryo sa trapik na mararanasan sa mga susunod na araw.

Eto at nagpauna na nga ang pamunuan ng MMDA ukol dito at para makita kung gaano ito magiging kabigat ay magsasagawa sila bukas ng dry-run sa trapiko.

May kinalaman ito sa gagaganaping South East Asian Games sa bansa kung saan inaasahan na makakadagdag sa malalang trapik.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng ‘stop and go scheme’ kung saan pahihintuin ang mga sasakyan para pagbigyan ang mga convoy ng mga delegado patungo sa mga sports venue.

Malamang sa alamang kasama diyan ang EDSA na ngayon pa nga lang sakripisyo na ang pagdaan dito, dahil sa madalas na walang galawang trapik.

May ipinanukala na rin ang MMDA para raw makabawas sa trapik. Ito ang pagsuspinde sa pasok sa ilang paaralan na dadaanan o malapit sa venue ng palaro.

Hiniling din nila sa mga mall na huwag na munang magsagawa ng weekdays sale para hindi makadagdag sa malubhang trapik.

Maliban sa Adriatico at P. Ocampo Streets sa Maynila, wala nang ibang kalsada sa Metro Manila ang isasara o gagawing ‘one-way’ ng MMDA para sa SEAG.

Talagang dapat silang magkaroon ng matinding plano sa mga panahong ito. Dahil kung ngayon pa lamang delubyo na ang dumaan sa mga pangunahing lansangan, paano na ang mararanasan ng ating mga kababayan sa susunod na mga araw.

Matapos man ang SEAG, siguradong ganyan pa rin ang magiging problema dahil sa papalapit namang holiday seasons.

Huwag na lang sanang makisabay muna ang mga isinasagawang walang katapusang ‘hukay-hukay’ at ang walang katapusang repair.

Sa ating mga kababayan huwag lang magbaon kumapit na mabuti sa mahabang pasensiya na inyong dala-dala, kayanin sana ng power ninyo ang kalbaryo pang ito sa trapiko.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with