Presong may habambuhay na sentensiya, iginiit na maari na siyang lumaya matapos pansamantalang mamatay
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

ISANG preso sa Iowa ang humiling sa korte na siya ay palayain gamit ang argumento na natapos na niya ang kanyang habambuhay na sentensiya nang pansamantala siyang mamatay noong 2015.

Convicted sa kasong murder si Benjamin Schreiber noong 1996 at sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong. Noong Marso 2015, nawalan siya ng malay dahil sa komplikasyon sa sakit niya sa bato.

Ayon sa kanya, tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang itakbo siya sa ospital. Salamat sa mga doktor at nagawa siyang i-revive ngunit ayon kay Schreiber, tapos na ang kanyang life sentence nang puntong iyon dahil siya ay namatay na, kahit sasandali lamang ito. Dahil dito, hindi na raw dapat siya ibinalik sa kulungan matapos siyang makapagpagaling sa sakit.

Hindi naman bumilib ang korte sa kanyang argumento. Ayon sa  mga hukom na nagbaba ng desisyon, iisang bagay lamang ang kailangang tingnan kung tapos na nga ba ang habambuhay na sentensiya kay Schreiber: kung buhay pa ba siya o hindi.

Dahil hindi maitatanggi na buhay na buhay pa si Schreiber, na nagawa pa ngang makapagsumite at pumirma ng petisyon sa korte para sa kanyang paglaya, hindi raw masasabi na tapos na ang kanyang sentensya.

Nananatiling nakabilanggo ang 66-anyos na si Schreiber.

BENJAMIN SCHREIBER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with