Funny quotes …mula sa dating presidente ng Zimbabwe, Robert Mugabe (Part 4)
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

Hindi bakla si Satanas! Una niyang nilapitan ang hubad na  Eva sa halip na hubad na Adan.

Sa Africa, ang warning na pinapansin lang nila at sini-seryoso ay ang warning sa cellphone: Low Battery.

Kung ikaw ay may asawa na pero nahahaling pa rin sa mga school girls, mas mainam na ibili mo na lang ng school uniform ang iyong misis.

Payo sa mga kababaihan: Kung basta ka na lang iniwan ng iyong boyfriend at ipinagpalit sa iba, sikapin mong makuha ang kanyang cellphone. Then, layasan mo siya. Tapos tawagan mo ang kanyang ina at sabihing namatay na ang anak niya.  Dapat ay umiyak rin siya at masaktan dahil hindi niya pinalaki nang tama ang kanyang anak.

Nagrereklamo kang kahihiwalay mo lang sa iyong boyfriend two weeks ago pero ano itong nabalitaan mong engaged na siya sa bago niyang girlfriend. Girl, congratulations, at least nakaabot ka sa semi-final.

Tigilan mo na ang pagtawag sa iyong asawa ng Honey, Chocolate, Sweet at Sugar dahil nagmumukha lang silang cheap. Mabibili mo lang ito sa halagang 10 shillings (97 cents sa US dollars). Dapat ay tawagin mo siya ng “ my bag of rice”; “my keg of Diesel”; “my gallon of Petrol”, “my iPhone 11”.  Bigyan mo ng malaking halaga ang iyong asawa.

Ang white man na mapagkakatiwalaan mo ay ang “dead white man”.

FUNNY QUOTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with