Sugar Mommy (200)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am


UNTI-UNTI nang natatanggap ni Jericho ang pangyayari kay Maia. Nakakabangon na siya. Tama nga ang kanyang mama at maging ang kanyang Ninong Nik na dapat nang tanggapin ang nangyari. Nakatulong sa kanya ang pagiging abala sa trabaho. Halos hindi niya namamalayan ang paglipas ng oras. Kung noon ay halos inip na inip siya sa paglipas ng oras, ngayon ay napakabilis dahil buhos na buhos ang kanyang atensiyon sa trabaho.

Makalipas pa ang ilang buwan, ganap na siyang nakapag-adjust. Pero may mga oras pa rin na gusto niyang puntahan ang lugar kung saan sila unang nagkakilala ni Maia.

Isang umaga ng Biyernes, naglakad siya bilang ehersisyo. Hanggang sa marating niya ang ospital na dating pinagtatrabahuhan ni Maia.

Ilang minuto niyang pinagmasdan ang ospital at parang nakita niya ang mukha ng asawa na nakatawa. Maaliwalas ang mukha ni Maia na para bang sinasabi na maayos ang kanyang kalagayan sa kinaroroonan.

Pagkatapos niyang pagmasdan ang ospital, ang villa naman na dating tini-rahan ni Maia ang pinuntahan niya.

Nasa likod lamang ng ospital ang villa kaya mabilis niyang narating. Wala na siyang balak pumasok sa loob ng villa sapat na sa kanya na tanawin ang dating tirahan ng asawa.

Sa pagkakatanaw niya sa bintana, tila naroon si Maia at kumakaway sa kanya. Si Maia ba yun?

Ilang beses niyang kinusot ang mga mata. Si Maia nga yata ang nakikita niya sa bintana! (Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with