Sugar Mommy (199)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

ARAW nang pag-alis ni Jericho patungong Saudi, mahigpit siyang niyakap ng kanyang mama. Umiyak ang kanyang mama.

“Huwag ka nang umiyak, ‘Ma. Okey na ako. Pagdating ko sa Saudi, tatawagan ko kayo ni Papa.’’

“Salamat anak. Huwag mong pababayaan ang katawan mo.’’

“Hindi po.’’

Niyakap din siya ng kanyang papa. Wala itong sinabi.

“Huwag na ninyo akong ihatid sa airport. Magtataksi na lamang ako. Baka mahirapan lamang kayo dahil sa trapik.’’

“Sige Jericho, mag-ingat ka. Tumawag ka agad pagda-ting mo.’’

“Opo.’’

Umalis na si Jericho.

Mas gusto ni Jericho na huwag siyang ihahatid sa NAIA dahil nakakadama lamang siya ng lungkot kapag naghiwalay na sa airport. Kung walang naghatid sa kanya, e di wala na siyang iisipin pa. Sa loob ng ilang taon na pagsa-Saudi niya, hindi siya nagpahatid kahit minsan sa airport.

Nang nasa NAIA na si Jericho, hindi naman niya naiwasang maalala ang namayapang asawa. Kung buhay si Maia, dapat sabay din silang babalik sa Saudi. Pero hindi na nangyari iyon dahil nga maaagang nawala sa kanya ang asawa.

Pinilit ni Jericho na kontrolin ang pagtulo ng luha pero hindi niya napigil. Napahinga siya nang malalim. Ang alaala ni Maia ay mananatili sa kanya.

Tuwang-tuwa si Leo nang dumating siya. Sinalubong siya nito sa King Khalid International Airport.

“Mabuti Bro at bumalik ka.’’

“Natanggap ko na ang nangyari, Leo. Okey na ako.’’

Napatangu-tango si Leo.

Sa trabaho, naging busy si Jericho. Hindi halos nagpapahinga.

Pinagmamasdan siya ng kanyang mga tauhan. Mula nang dumating si Jericho lagi nang abala sa pagtatrabaho.

“Hindi na nagpapahi-nga si Bossing ano?’’ sabi ng isang tauhan.

“Siguro’y para hindi maalala ang nangyari sa asawa,’’ sabi naman ng isa pa. (Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with