^

Punto Mo

Gen. Binag para PNP chief!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KAHIT bobo basta “honest!” ‘Yan ang criteria na hinahanap ni President Digong sa papalit kay PNP chief Gen. Oscar Alba-yalde na magreretiro sa Nov. 8. Ang tanong sa ngayon na umiikot sa Camp Crame ay may “honest” pa kayang senior officers ng PNP? Araguuyyy! Kaya may nagmungkahi na kung honest ang hinahanap ni Digong, siguro ang dapat italaga niyang PNP chief ay ‘yung bagong graduate pa lang ng PNPA. Kasi tiyak honest pa sila. Subalit sumabad si kosang Rickboy Abalos Ramos na marami pang honest sa PNP at isa si Maj. Gen. Cesar Hawthorne Binag, hepe ng PNP Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM). Kaya itinalaga ni Albayalde si Binag sa DICTM dahil may proyekto ang PNP na bilyones ang pondo para walang masayang na pitsa at alam ‘yan ni Digong. Iginiit pa ni kosang Ramos na tiyak walang masilip na ni katiting na katiwalian sa record ni Binag kahit mula noong tenyente pa siya sa PC-INP. Get’s n’yo mga kosa? Si Binag ay isa ring born-again Christian at isa sa elders ng Greenhills Christian Fellowship sa Ortigas. O, hayan President  Digong Sir, maka-Diyos at makatao si Binag at sigurado ang mga kosa ko na honest siya. At higit sa lahat, hindi bobo si Binag. Get’s n’yo nga kosa? Hak hak hak! Kaya lang, tahimik si Binag at maaring si kosang Ramos  ang padrino niya na hindi naman taga-Davao kaya’ walang bilang. Tumpak!

Kung lumayo pa kay Binag ang paningin ni President Digong andiyan din naman si Brig. Gen. Bernie Banac, ang spokesman ng PNP, na lumaki rin sa kuwadra ng DICTM chief. Maka-Diyos at honest din si Banac. Kung ‘di pa kuntento si President Digong, aba ang pangatlong kandidato ay si Brig. Gen. Sotero Ramos Jr., ang police attache sa Washington D.C. Sina Banac at Ramos Jr. ay hindi rin bobo, kung ang mga sensitibo nilang puwesto ang gagawing basehan, di ba mga kosa? ? Si Binag ay miyembro ng PMA Class ‘87, si Ramos Jr. ng Class ‘90 at si  Banac ng Class ‘92. Marami pa ang masasabi kong honest sa PNP subalit tulad nina Binag, Ramos Jr. at Banac, tahimik lang silang nagtatrabaho kaya hindi napapansin ng liderato ng PNP nga at kapwa nating Pinoy. Araguuyyy! Hak hak hak! Weder-weder lang talaga, no mga kosa? Tumpak!

Si Lt. Gen. Archie Gamboa naman ay masasabi kong guhit ng palad niya dahil halos naka-isang buwan na siya sa puwesto bilang PNP OIC. Siyempre, pogi points din kay Gamboa ang pag-address niya ng hinaing ng mga concerned PNP officers dahil ipinakita n’yang wala talagang «bata-bata» system sa liderato n’ya nang ipatupad ang suspension order ni Brig. Gen. Rafael Santiago, ng PRO10 na may kasong malversation. Sa pagtalaga niya kina Brig. Gen. Rolando Anduyan bilang kapalit ni Santiago at Brig. Gen. Ronnie Ylagan sa NPD, nawala rin ang hinagpis ng Class ‘90 na nilaktawan sila ng Class ‘91. Ilang tulog na lang at malalaman na natin kung sino ang papalit kay Albayalde. May the best man wins na lang dito sa labanan sa pagka-PNP chief! Abangan!

vuukle comment

PNP C

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with