^

Paano magkakasilbi ang wala nang silbing smartphone?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - November 3, 2019 - 12:00am

ANO nga ba ang dapat gawin sa mga lumang smartphone? Puwede siyang reserba kung sakaling nagkadiperensiya, nasira o nawala ang bago at ginagamit mo ngayong telepono. Maaari namang gamitin pa rin ang luma pero para na lang sa mga pagtawag, pagtanggap ng tawag o pagpapadala o pagtanggap ng mga text message.  Ang bago namang smartphone ay maiuukol sa pagbukas ng internet at paggamit ng Facebook at ibang social media, panonood ng mga video, paglalaro ng games, pakikinig  ng musika, pagkuha ng litrato at iba pa.  Hindi rin masama na ipamigay mo sa isang miyembro ng pamilya o kamag-anak o sa ibang tao bilang kawanggawa ang lumang cellphone na ito kung hindi mo na ginagamit. O kaya naman ibenta na lang ito para magkapera ka pa.

Kakaiba naman at malikhain ang napaulat na mga mungkahi ng Popular Mechanics na nagsaad ng mga bagay na maaaring magawa sa iyong lumang smartphone na hindi na nagagamit.

Puwedeng magamit bilang home security system ang lumang smartphone. Hindi na kailangang gumastos sa pagbili at pagpapakabit ng CCTV camera sa bahay. Ilabas ang hindi na nagagamit na smartphone, i-charge at mag-install dito ng surveillance app mula sa internet tulad ng Presence, Manything o AtHome Camera. I-set up ang lumang camera para maitutok ito sa direksyon na gusto mong imonitor at hayaang nakasaksak lagi sa outlet ng kuryente para hindi magkaproblema. Ang mga apps na ito ay magpapadala ng notification sa bago o ginagamit mong smartphone kapag me natukoy na mga paggalaw ang camera. Hindi ka na mag-aalala sa seguridad ng iyong bahay habang nasa labas ka.

Magagamit ding baby monitor device ang lumang smartphone na iyan.  Pero, para ito maisagawa, kailangan mong dalawang lumang smartphone o kaya ay iyong luma at ang ginagamit mo ngayon. Mag-download ng app na tulad ng  Cloud Baby Monitor, Dormi o Baby Monitor 3G sa mga gadget na ito. Tiyakin na ang camera ng “baby monitor” device na mananatili sa kuwarto ng sanggol ay nakaharap sa nursery at madali nitong makikita ang sanggol.  Pero sapat ang layo nito para makuha ang kabuuang larawan ng lugar. Sundin ang instruction sa napili mong app at tiyakin nan aka-set up ang privacy setting para ikaw lang ang makakakita sa live stream ng iyong anak. Tiyakin din na password protected ang iyong WiFi network.

Magagamit ding permanent dashcam sa iyong sasakyan ang luma mong smartphone. Matrabaho masyado ang pagkakabit at pagbaklas at iba pa kaugnay nito. Ikabit ito sa power source at mag-download ng app na tulad ng Autoboy Dash Cam.

Kung may bahagi ng iyong bahay na hindi naaabot ng WiFi signal, gamiting WiFi extender ang lumang smartphone. I-download sa luma mong smartphone na magiging extender at sa ginagamit mo ngayong telepono ang Netshare no-root tethering app. Buksan ang Netshare app sa unang device na magsi-“share” ng WiFi at i-press ang  “share internet connection.” Papadalhan ka ng isang group SSID at password para sa second device na gagamitin mo para maka-connect. I-accept ang VPN pairing dialogue sa pangalawang device kapag nakatanggap ka nito at makakapag-internet ka na.

Email: rbernardo2001@hotmail.com

 

 

 

SMARTPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with