^

Halo - halong tips

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - November 2, 2019 - 12:00am

• Mas mahaba ang paliwanag, mas malaki ang kasinu-ngalingang nakapaloob dito.

• Ang isang dahilan ng pagtaba ay kakulangan sa tulog.

• Kung malala ang ubo, dumapa ka, sa paraang nakalapat ang iyong tiyan, habang nanonood ng TV.

• Ang epekto nang pag-inom ng tubig na hinaluan ng honey ay kagaya ng epekto nang pag-inom ng energy drink.

• Huwag mong ikakatwiran na nagkamali ka nang kaliwain mo ang iyong asawa. Nagtaksil ka dahil ginusto mo iyon. Cheating is a choice, not a mistake.

• Next time, huwag mong  mamaliitin ang mga desisyon ng iyong karelasyon. Remember, isa sa mga desisyon niya ay mahalin ka nang walang pasubali.

• Ang ating balat ay patuloy na nagtatrabaho kahit tayo natutulog kaya kung anuman ang nakakulapol sa ating mukha, ito ay hinihigop ng balat. Ito ang dahilan kung bakit kailangang maglinis ng mukha bago matulog. Ito rin ang dahilan kung bakit pagkatapos linisin ang mukha ay mainam na magpahid ng moisturizer kahit matutulog ka na.

• Ang regular na pagtakbo ay nakapagpapabuti ng sexual performance.

• Ang pagkain ng salmon ay nakapagpapabilis ng pagtubo ng buhok.

• Kapag magi-isprey ng cologne, hanggang tatlong pindot lang ang gawin dahil kung sosobra pa, nakakasulasok na ang dating nito sa pang-amoy ng ibang tao.

• Kung iinom ng isang basong tubig bago matulog, maiiwasan ang mapait na panlasa paggising sa umaga.

• Kapag mag-o-order ng fries sa drive-thru, ang hingin ay walang asin para makaseguro na bagong luto ang ibibigay sa inyo. Humingi na lang ng asin na nasa packet.

• Isang gabi mong ikumot sa iyong katawan ang blanket ng iyong baby bago mo ipagamit sa kanya. Didikit dito ang iyong amoy na kapag naamoy niya, ito ay makapagpapaginhawa sa kanya.

 

TIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with