^

Punto Mo

Mas masamang uri ng plastic

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MAY mga ulat tungkol sa plastic pollution na nagsasabing ang Pilipinas ang ikatlong bansa na may pinakamaraming plastic na itinatapon sa ilog at dagat, nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia. Gayunman, tinututulan ito ng Break Free from Plastic, isang pandaigdigang coalition, sa pagsasabing ang pagtambak ng plastic sa Asia ay kagagawan ng mga multinational companies sa Europe at US.

Ayon sa coalition, siyam na porsyento lamang ng mga plastic na na-manufacture simula noong 1950s ang nai-recycle. Ibig sabihin, talagang patambak na patambak ang mga plastic na sumisira sa kalikasan, sapagkat ang mga ito’y hindi nabubulok. Sa ngayon, ang pinakamalubhang plastic packaging na nagdaragdag sa pandaigdigang plastic pollution ay ang mga sachet na pinaglalagyan ng mga gamot, shampoo at iba pa, na ibinebenta ng mayayamang bansa sa mahihirap na bansa.

Kung mahirap pigilan ang pagtambak ng plastic na sumisira sa kalikasan, lalong mahirap pigilan ang pagtambak ng isang uri ng plastic na sumisira sa pagkatao ng isang tao—ang pagkukunwari, ang pagsisinungaling, na kung tawagin natin ay kaplastikan, akala mo’y tunay, noon pala’y huwad. Akala mo’y genuine, noon pala’y peke.

Kapag nakakakita tayo ng tunay na bulaklak na napakaganda, ang sinasabi natin ay, “Ang ganda, parang plastic.” Kapag nakakakita naman tayo ng magandang bulaklak na plastic, ang sinasabi natin ay ganito, “Ang ganda, parang totoo.”  Dahil sa imbensyon ng plastic, nagulo ang perception natin ng kung ano ang talagang maganda—ang maganda ba ay ‘yong totoo na mukhang plastic o ‘yong plastic na mukhang totoo?

Sa totoo lang, kung pinarurumi ng mga produktong plastic ang ating kalikasan, pinarurumi rin ng mga taong plastic ang ating lipunan. Ang kaplastikan ay isa na ring malalang pollution. Tambak ang kaplastikan sa gobyerno, sa negosyo, at maging sa simbahan. Sa tuwing may eleksyon, lalong lumalala at dumarami ang kaplastikan. Akala mo’y wagas na wagas ang intensiyon na maglingkod sa bayan. Noon pala, ang gusto lamang ay magkaroon ng kapangyarihan at magkamal ng kayamanan. Ang malungkot, marami sa kanila ang nananalo, sapagkat magaling magmukhang totoo.

Galit si Hesus sa mga plastic. Ganito ang sinabi niya sa Mateo 23:27-28, “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit ang loob ay bulok at puno ng kalansay.  Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti, ngunit ang totoo’y punung-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan.”

Habang hindi natin naiaalis ang mga plastic na nasa kapangyarihan, mananatili ang kabulukan sa ating lipunan, sapagkat ang kaplastikan ay kasingkahulugan ng kasinungalingan. Dahil sa paglaganap ng kasinungalingan, madalas ay litung-lito na tayo sa pagtiyak kung alin ang totoo at ang hindi, kung alin ang tunay at ang plastic. Ang mga “fake news” ay pinaniniwalaan ng marami na lehitimong balita.  Kay rami nang taong nawasak dahil sa mga “fake news.”

 Wika ng Nazi propagandist na si  Joseph Goebbels, “Ang paulit-ulit na kasinungalingan, sa huli’y tinatanggap na katotohanan.” Diyan magaling ang mga mapagkunwari at sinungaling, nakalilikha sila ng ilusyon ng katotohanan.  Pero ilusyon lamang, sapagkat ang katotohanan kailanman ay hindi puwedeng imbentuhin. Kasinungalingan lamang ang maaaring imbentuhin.

Mas masamang uri ng plastic ang pagkukunwari at pagsisinungaling, sapagkat hindi lamang kalikasan ang sinisira nito, kundi ang pagkatao ng tao bilang nilikhang kalarawan ng Diyos na walang kasinungalingan. Ang paglaban dito’y laban mo, laban nating lahat!

 

 

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with