^

Honest NAIA security guard

QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - November 2, 2019 - 12:00am

NAGPAKITA ng katapatan sa tungkulin ang isang NAIA security guard sa ginawang pagsauli nito ng isang supot na naglalaman ng mga dollar bill matapos niya itong mapulot sa isa sa mga carousel sa NAIA Terminal 1, kamakalawa bisperas ng ‘araw ng mga kaluluwa’.

Ikinatuwa ni MIAA General Mana-ger Ed Monreal, ang ginawa ni Sanzebal Matul, isang security guard on-duty sa conveyor area nang mapulot niya ang supot na naglalaman ng salapi na agad naman nitong dinala sa MIAA lost and found section.

Nasa pangangalaga ng MIAA lost and found section ang salaping ibinalik ni Mastul matapos na walang makitang identification card sa supot para makilala ang owner nito,

Hindi kasi birong salaping dollar bill ang nasa loob ng supot na napulot ni Mastul kaya naman hindi agad sinabi ng pamunuan ng MIAA kung magkano ang salaping laman ng napulot ng security guard.

Ang claimant ng malaking halagang salapi na napulot ni Mastul ay maaring kunin ito sa MIAA lost and found. Magdala lamang ng proper identification ang may-ari nito at sabihin lamang kung magkano ang laman ng naiwan niyang pera. Ano sa palagay ninyo may mga magpapanggap kaya na sila ang may-ari ng perang naiwan ?Ang mga katanungan bago ilabas at ibigay ang salapi sa may-ari ay ito.... anong klase ng supot ang pinaglagyan ng pera, saan galing ang supot at paano naiwan at saan conveyor ito nakita? Abangan. 

• • • • • •

Mass arrests ng mga aktibista sa Bacolod

Binatikos ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA, ang mass arrests ng 50 aktibista sa Bacolod City.

Dahil sa pangyayaring ito natatakot ang grupo ng  UMA sa intensified crackdown sa mga organisasyong mamamayan sa buong Negros Island.

Hiniling ng grupo na agad pakawalan ang mga naaresto kabilang ang mga gawa-gawang kaso laban sa mga hinuli.

Kasama sa mga naaresto ng CIDG, PNP at 3rd Infantry Division ay sina Romulo Bito-on Jr ng Bayan Muna at si Mermalyn, asawa nito; John Milton Lozande secretary general ng National Federation of Sugar Workers (NFSW); Noli Rosales ng Kilusang Mayo Uno (KMU); Proceso Quiatchon ng Karapatan; Aldrin Dela Cerna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Danny Tabura ng NFSW. Ang iba ay kinabibilangan ng 6 na menor de edad na mga miyembro ng Teatro Obrero.

Ibinida ni UMA chairperson Antonio “Ka Tonying” Flores, si Lozande ay UMA’s secretary general habang ang NFSW ay isa sa mga founding member ito.  

Sinabi ni Flores, ang mga naaresto sa ginawang pagsalakay ay puersa ng seguridad ng estado sa apat na iba’t ibang mga lugar na sumasakop sa mga opisina ng Bayan-Negros, Karapatan, KMU, Bayan Muna, Negros Island Integrated Health Program (NIHIP), Gabriela, NFSW, KMP, Anakpawis at Kabataan Party List at mga bahay nina Romulo Bito-on Jr. at John Milton Lozande.

Ayon sa mga reklamador, ang kaso ay tulad din daw ng dati na pagtatanim ng mga baril at mga pampasabog ang ebidensiya nakita laban sa mga ito ?

Ayon kay Ka Tonying,  ang nang raid na mga security forces ay nannindigan na ang mgaa tanggapan na ipinasok nila ay ang training ground ng NPA.,

Ang ginawang massive crackdown ng mga taga - gobierno sa Negros Occidental, sinabi ni Ka Tonying, na maaring humantong pa ito sa higit pang mga kasamaan sa buong isla.

Sa kasalukuyan 87 aktibista ang sinasabing na ejk sa island at mayroon ding isang patuloy na malawakang militarisasyon doon lalo’t inilagay ni Presidente Duterte ang Negros sa ilalim MO32 kabilang ang Bicol at Samar province. Bukod dito, ang Negros ay isa sa mga testing grounds sa buong bansa na dini-diskarte para tapusin ang komunista.

Nananawagan ang UMA, sa lahat ng iba pang mga sektor sa isla, kabilang ang Simbahan, sa loob at labas ng bansa para magsama-sama para sa agarang pagpapalaya sa mga inaresto at ibasura ang mga gawa-gawang kaso laban sa mga ito.

 

NAIA SECURITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with