Aundee, henyo sa robot
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - October 27, 2019 - 12:00am

AUNDEE ang tawag sa kanya nang marami pero mas higit na nakikilala siya sa mundo ng mga robot.  Siya si Schealana Aundee R. Villanueva, isang 15-anyos na 10th grader na batang Pilipino sa Philippine Science High at kinikilalang henyo sa youth robotics at 2019 World Robot Games champion. Graduate din siya sa Diliman Preparatory School. 

Grandwinner si Aundee sa nationwide search para sa Wyeth Nutrition Kids Innovators 2018. Napanalunan niya ang Wyeth award para sa kanyang very innovative project na gumagamit ng automation at robotics sa pagsasaka na tinatawag na “Increa-sing Efficiency in Agriculture Through Automation System and Robotics.” Ang napanalunan niya rito na P100,000 ay ginamit naman niya sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at kakayahan sa ibang mga kabataang estudyante hinggil sa paggawa ng robot.  Noong Oktubre 11, 2019, inisponsor ni Aundee sa DPS ang unang robotic enginee-ring demo-workshop sa bansa para sa mga grade schooler gamit ang nilikha niyang demo kit at program. May 15 pampubliko at pribadong eskuwelahan ang inimbitahan sa workshop na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Warecat Robotics, isang guild na binuo nina Aundee at ng dalawa niyang kapatid.

Sa workshop, ipinakilala niya sa mga batang mag-aaral na dumalo ang budget robotic na gumagamit ng mas mura at madaling makuhang mga piyesa sa paggawa ng robot gamit ang Arduino open-source platform. Ipinakita niya rito kung paano lumikha ng autonomous robot car habang itinuturo sa mga bata ang basics sa designing at assembling ng isang autonomous robot vehicle.

Hindi kataka-takang tawaging henyo sa robot si Aundee dahil sa mahabang listahan ng kanyang mga tagumpay sa coding (programming) at robotics tulad ng 55 certificate, trophies at medal na natamo niya sa Pilipinas, Singapore, Thailand at Indonesia sa loob ng limang taong paglahok niya sa mga national at international coding at robotic competition. Sa edad pa lang na siyam na taong gulang ay sumasali na siya sa mga kompetisyon sa robot.

Si Aundee rin ang una at tanging recipient ng Technology Leadership Award sa World Robotic Games 2019 na idinaos kamakailan sa Thailand dahil sa kanyang outstanding performance sa WRG sa magkakasunod na limang taon (2015-2019). Natamo rin niya rito ang Gold Medal para sa Innovative Robot Science Category. Sa 2019 Manila Mini Maker Faire ng Mund Museum, ipinarangal din sa kanya ang Organizer’s Choice bukod sa kanyang pagiging solo exhibitor. Sa tatlong magkasunod na taon, napanalunan niya ang DOST-SEI Youth Excellence in Science Y.E.S Award for Robotics.

AUNDEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with