^

Punto Mo

Ni-recall na mga pulis sa Bilibid, dinepensa ng NCRPO

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Halos hindi pa nagtatagal ang may 200 pulis na idineploy sa Bilibid, ayun ni-recall na.

May kinalaman ang recall dahil sa isyu na may 16 na pulis na sinasabing ‘nagpupuslit’ ng mga pambentang kontrabando sa mga mayayamang preso.

Kabilang dito ang mga alak, sigarilyo, cellphone at iba pa na naibebenta sa mas tripleng halaga sa loob.

Kung tutuusin napakabigat ng mga akusasyong ito, pero teka hinay-hinay muna.

Eto at naniniwala ang bagong talagang NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na walang nilabag na serious offense ang naturang mga pulis.

Klinaro rin nito na walang ipinapasok na kontrabando ang mga pulis sa loob ng Bilibid, gaya nang unang inulat.

Nasa formation umano ang mga pulis sa labas ng NBP nang makuha sa kanila ang kanilang personal na cellular phones na normal na isinusurender bago sila pumasok sa piitan. Hindi naman pala karamihang tabako ang nasamsam kundi dalawang stick lang ng sigarilyo ang nakuha sa isang pulis na personal nitong konsumo.

Bagamat aalamin ng NCRPO kung bakit dalawa sa mga ito ang may dalang alak sa formation.

Sang-ayon ang Responde na talagang may mga parak na ‘pasaway’ at ang ilan ay nalilihis ng landas, sa isang banda dapat din namang matignan  maigi ang bawat sumbong. Malinawan muna bago husgahan.

Baka kasi naitatatak sa isip eh ang mga ‘pasaway’ na parak, kaya bawat galaw ng iba nandon na ang duda. Unfair ito sa kanila.

Sa isang banda , nakahanda pa rin umano ang PNP na umasiste sa BuCor sa pagbibigay seguridad sa Bilibid, pero isasagawa ring regular na palitan ng tao.

Tama lang ang hindi matagalang deployment yon, dahil kapag nagtagal at pamilyar na sa isang lugar doon na nagsisimula ang korupsyon.

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with