EDITORYAL – Pulis din ang problema sa Bilibid
(Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

KAHIT saan, kahit kailan. Hindi pa natatapos ang pag-iimbestiga sa “ninja cops” na nag-recycle ng droga, lumutang naman ang “Bilibid cops” na nag-i-smuggle ng mga kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP). Kabilang sa mga ini-smuggle ng “Bilibid cops” ay alak, sigarilyo at mga electronic gadgets. 

Ang labis na nakapagtataka, pawang baguhan ang mga pulis na naka-duty sa Bilibid. Ibig sabihin, kapupuwesto lamang nila roon pero gumawa agad ng kabalbalan. Pinalitan ng mga pulis na ito ang 300 guards ng Bilibid na pinagsisibak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag dahil din sa katiwalian. Pero malaking pagkakamali ang nagawa sapagkat ang mga ipinalit ay mga korap din pala. Mas masahol din pala ang mga pulis sa paggawa ng katarantaduhan.

Ayon sa report, 16 na pulis ang kasalukuyang iniimbestigahan dahil sa pag-smuggle ng kontrabando. Kapag napatunayan, sibak sila sa puwesto. Ang 551 pulis na nagmula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang inatasang magguwardiya sa Bilibid noong nakaraang buwan.

Pero wala pang isang buwan mula nang italaga sa Bilibid, gumawa agad ng katiwalian ang 16. Si dating NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang nag-utos na imbestigahan ang mga pulis na siya rin mismo ang nagdeploy doon.

Kahit saan ay gumagawa ng kalokohan ang mga pulis. Kahit na tinaasan na ng suweldo – pinakamababang sahod ng pulis ay P39,000 --- ay gumagawa pa rin ng katiwalian. Kaya dismayado si President Duterte sa nangyayari sa PNP. Nararapat imbestigahan pa ang smuggling ng contraband sa Bilibid. Palitan uli ang mga pulis doon.

NEW BILIBID PRISON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with