Oplan ‘Biyaheng Ayos’ sa NAIA, lumipad na
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

UMARANGKADA na ang mga pagpapatupad ng mahigpit na security measures sa NAIA terminals ngayong nalalapit na ang hudas este mali Undas pala.

Handa na sa pangunguna ni MIAA General Manager Ed Monreal at mga kaalyado nito sa kanyang area of responsibilities ang inaasahang dami nang mga pasahero sa NAIA na umuuwi sa probinsya o going abroad ngayong Undas season.

Ibinida ni Monreal, na handang-handa na ang mga tauhan niya sa airport, mga tanggapan ng gobierno at mga airlines personnel sa tinaguriang OPLAN Biyaheng Ayos. May mga oplan desk na silang itinayo na kinabibilangan ng mga tauhan niya from the MIAA Operations, Public Affairs, Police at Medical team sa lahat ng NAIA Terminals.

Ang Malasakit Help Desks, sa kabilang banda, ang magiging focal point para sa lahat ng mga katanungan na may kaugnayan sa airport at airline operasyon at ang mga karapatan ng mga pasahero. Nakabantay din dito at anumang oras ay handang tumulong ang mga taga-MIAA at ang Civil Aeronautics Board, ang huli ang dapat tumulong sa mga pasahero tungkol sa mga isyu na tumutukoy sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights.

Ika nga, problema regarding airlines.

Nananawagan si Monreal, sa mga departing passengers na kailangang nasa NAIA sila 3 hours before departure flights para sa international flights at 2 hours para naman sa domestic flights para hindi ma-hassle sa check-in.

Ipinatupad din ni Monreal, ang ‘no day off’ policy sa mga security people sa NAIA para masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero dito.

Ayos ba?

Ang binyagan blues

Napabalitang muli daw nagpabinyag ng anak na bebot si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil noong unang binyag ay hindi nakarating si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio, na siya ang ninang.

Bakit?

‘Yan ang hindi natin alam!

Ayon sa kuento, si Boss Digong lamang ang nakadalo noon unang bonggang binyag ng kanyang daughter sa isang 5 star hotel sa Makati kaya napagpasiyahan daw ng pamilya ni Lord na sa ikalawang pagkakataon ay muli nilang pabinyagan ang anak para pumunta na ang Ninang Inday Sarah ng bata.

Kambiyo issue, matatandaan ilan buwan na ang nakakaraan ay nagbakbakan sina ngayon’y Speaker Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Allan sa pagka-Speaker pero ang pinalad at ang pinilipit este mali pinili pala ni Boss Digong ay si Cayetano. Kaya lang sa last 18 months of leadership ay si Lord naman ang uupo kapalit ng una para maging Speaker of the House.

Sabi nga, term sharing!

Ang siste mukhang nagpapanik diumano si Lord sa mga ipinakita ni Cayetano sa Kamara dahil 2 months pa lamang ito doon ay marami ng naawa este mali nagawa pala. Hehehe!

Ika nga, tumaas pa ang rating ni Cayetano sa mga survey na naglabasan the other day.

Sinasabing ikinatuwa rin ito sa Kongreso nina House Majority Leader Martin Romualdez at Deputy Speaker LRay Villafuerte.

Nirerespeto kasi si Cayetano ng mga kasamahan kongresista sa Kamara.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with