Nawalang singsing sa dagat, natagpuan muli; salamat sa maliit na isda
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

ISANG lalaki sa United Kingdom na nakawala ng singsing habang lumalangoy sa dagat ang nagawang matagpuan muli ito sa tulong ng isang maliit na isda.

Lumalangoy ang 44-anyos na si Dan Levine sa Penzance, Cornwall, England nang matanggal mula sa kanyang daliri ang wedding ring na dinisenyo pa naman ng kanyang asawa.

Sa kagustuhang makuha muli ang singsing ay nag-post si Levine ng ­panawagan sa Facebook sa sinumang makakapulot ng singsing sa beach kung saan niya naiwala ito.

Umabot ang Facebook post kay Gary at Emma Spires, na bumisita sa beach isang araw matapos mawala ni Levine ang kanyang singsing.

Napulot daw nila ang singsing matapos nilang mapansin ito sa tabi ng isang maliit na isda na nagtatampisaw sa mababaw na bahagi ng tubig. Ayon kay Levine ay malamang raw na hindi nakita ni Gary ang singsing kung hindi dahil sa isda.

Pinasalamatan tuloy ni Levine hindi lamang ang mag-asawang Spires kundi pati na rin ang isda na naging susi sa pagkakabalik sa kanya ng kanyang pinakamamahal na singsing.

DAN LEVINE SA PENZANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with