^

Punto Mo

Sugar Mommy (184)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGHINTAY sina Jericho, Tita Noime at asawang si Fidel ng resulta sa ginawang pag-eksamin kay Maia. Halos walong oras ang pinaghintay nila. Hindi mapakali si Jericho sa pagkakaupo sa waiting area. Kahit na malamig sa ospital, pinagpapawisan siya. Matindi ang epekto sa kanya ng pagkakasakit ni Maia. Iisa ang nasa isip ni Jericho: paano ang nakatakda nilang kasal ni Maia.

Hanggang sa makaidlip si Jericho dahil sa pagod at pag-iisip sa kalagayan ni Maia.

Hanggang sa maramdaman ni Jericho na may tumapik sa kanya – si Tita Noime.

“Ako na lang ang makiki­pag-usap sa Egyptian doctor na tumingin kay Maia. Marunong akong magsalita ng Arabic. Lumabas na ang doctor sa ER at sinenyasan akong magtungo sa office niya.’’
“Sige po Tita Noime. Salamat po.’’

“Maghintay lang kayo dito ni Tito Fred mo.’’

“Opo.’’

Umalis na si Tita Noime.

Makalipas ang may 20 minutes, nagbalik si Tita ­Noime. Halata sa mukha na may masamang balita.

“Ano pong resulta, Tita?’’

Marahan na nagsalita si Tita Noime.

“May leukemia si Maia, Jericho – kanser sa dugo.’’

Parang binuhusan ng tubig si Jericho. Hindi nakapagsalita.

“Pero magsasagawa pa ng mga tests sa kanya.’’

Tahimik si Jericho.

“Umuwi ka muna Jericho at kami na muna ang bahala rito. Sige na.’’

Umuwi sa villa si Jericho.

Ikinuwento kay Leo ang nangyari kay Maia. Di-makapaniwala si Leo.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with