EDITORYAL – Internal cleansing sa PNP, paigtingin!
(Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

MARUMI ang Philippine National Police at lalo pang dumumi dahil sa scalawags at “ninja cops”. Marami ang nag-akala na naitutuwid na ang landas ng mga naliligaw na pulis pero mali pala. Patuloy din pala ang ginagawang pagsira sa imahe ng PNP. Lalo pang nasira dahil sa drug recycling. At ngayon, pati si dating PNP chief Oscar Albayalde ay nasa balag ng alanganin dahil sa pagkakasangkot sa kaso. Sabi ng Senate Blue Ribbon committee, may pananagutan si Albayalde at ang 13 “ninjas” sa kaso ng droga at graft. Kahit pa raw nagbitiw na o nagretiro na ito, maaari pa ring habulin. Nagbitiw noong nakaraang linggo si Albayalde at itinalaga si Lt. Gen. Archie Gamboa na officer-in-charge ng PNP habang hindi pa nakakapili si President Duterte ng bagong hepe.

Nagalit ang Presidente sa nangyaring pagkakasangkot ng mga pulis sa drug recycling. Sa ginawang meeting sa mga matataas na pinuno ng PNP. Pinagmumura ang mga ito. Nadismaya ang Presidente sapagkat ang inaasahan niyang mga pulis na magpapatupad ng kanyang kampanya laban sa illegal na droga ay pasimuno pala sa pag-recycle. Kumikita pala ang mga ito ng milyon sa kabila na tinaasan na niya ng suweldo. Hindi pa nasiyahan sa kanyang pinagkaloob na mataas na suweldo at naghangad pa nang malaki mula sa masamang paraan.

Noong linggo, ipinatupad ang balasahan sa mga matataas na pinuno ng PNP. Ni-reshuffle ang mga ito. Nilipat sa iba’t ibang departamento. Mahigit 20 PNP officials ang ni-reshuffle.  Ang utos ay nanggaling mismo sa OIC ng PNP na si General Gamboa at agad naging epektibo ng araw na iyon. Ang direktiba ni Gamboa ay dahil na rin sa utos ng Presidente.

Tama ang ginawang ito. Dapat magkaroon ng balasahan para hindi nabubuo ang “bata-bata” sa PNP. Sa hearing ng Senado na nag-imbestiga sa “ninja cops”, inakusahan si Albayalde na inaarbor ang mga “bata” niya na sangkot sa drug recycling. Dapat laging isagawa ang reshuffle para maiwasan ang “bata-bata”.

Magkaroon pa ng maigting na internal cleansing sa PNP. Nararapat maibangon ang nadungisang imahe ng pambansang pulisya dulot sa recycling ng droga. Kung hindi malilipol ang mga pulis na sangkot sa droga, sa­yang ang nasimulang kampanya.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with