Sugar Mommy (183)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

HABANG nasa emergency room si Maia, nasa lobby sina Jericho at ang mag-asawang tumulong sa kanya. Kung hindi dahil sa mag-asawa, baka hanggang ngayon ay wala pa rito sa ospital si Maia.

“Ako nga po pala si Jericho, nobyo ni Maia.’’

“A ikaw pala ang nobyo ni Maia,” sabi ng babae na ang pangalan ay Noime. “Minsan ay nagkakuwentuhan kami ni Maia mga dalawang linggo na siguro ang nakararaan at nabanggit niya na may boyfriend na siya. Noon kasi, binibiro ko siya kung kailan magkaka-boyfriend.’’

“Malapit na kaming magpakasal, Tita Noime.’’

“Talaga?’’

“Sa December po.’’

“Aba malapit na. Sana maging maligaya kayo, Jericho.’’

“Salamat po Tita. Salamat din at tinulungan n’yo akong mag-asawa na madala rito sa ospital si Maia. Actually po, siya ang nagsabi na sa kuwarto n’yo ako kumatok.’’

“Ano ba ang nangyari at bigla yatang nanghina si Maia?’’

“Pangalawang beses na po ‘yan, Tita. Nahilo rin siya noon. Pero sabi niya, dahil lang daw sa pagod sa pagdyu-duty. Magpapa­hinga lang daw siya.’’

“Nagpa-check-up ba siya?’’

“Hindi ko po alam. Pero mula noon e wala naman akong nakitang kakaiba sa kanya. Kanina lang uli siya nahilo pero kakaiba ang tingin ko dahil bigla siyang nanghina at kinakapos ang paghinga. Parang biglang bagsak ang katawan niya.’’

“Nakita ko rin nga ang itsura niya.’’

“Ano po kaya ang dahilan, Tita?’’

“Mahirap magsabi pero hintayin natin ang sasabihin ng doctor.’’

Ang asawa ni Tita Noime na ang pangalan ay Fidel ay mahinahong nagsa­lita. “Ipagdasal natin na maging maayos ang kondisyon ni Maia.’’

Lihim na nagdasal si Jericho.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with