Sugar Mommy (182)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

PARANG nauupos na kandila si Maia. Maputlang-maputla. Ganito rin ang nangyari noon pero sa tingin ni Jericho, kailangan nang dalhin sa ospital si Maia. Hindi na ito dapat ipagwalambahala.

“Dadalhin na kita sa ospital, Maia!’’

Napatango na lang si Maia dahil marahil sa masamang nararamdaman. Pero nasabi pa nitong humingi ng tulong sa mga Pinoy na nakatira sa kalapit na kuwarto.

Nagmamadaling lumabas si Jericho at kumatok sa katapat na pinto. Agad siyang pinagbuksan. Mag-asawang Pinoy ang bumungad sa pinto.

“Kabayan, hihingi lang ako ng tulong. Nahilo si Maia at kailangang dalhin sa ospital. Masama ang lagay niya!”

“Si Maia? Diyos ko!’’ sabi ng babae.

“Tatawag ako ng ambulansiya!” sabi ng lalaki. “Taga-ospital kami.”

“Salamat!” sabi ni Jericho.

“Halika puntahan natin si Maia habang tumatawag ng ambulansiya ang mister ko. Pareho kaming nurse.’’

Nakahinga nang maluwag si Jericho.

Nagmamadali silang pinuntahan si Maia.

“Maia dadalhin ka na namin sa ospital. Parating na ang ambulansiya!” sabi ni Jericho.

Agad na nilapitan ng babae si Maia at inalam ang kalagayan.

“Anong nararamdaman mo Maia?’’

Pero bahagya nang makasagot si Maia.

“Kailangan na ngang madala siya sa ospital!’’

Maya-maya, dumating na ang ambulansiya.

Dinala na si Maia sa ospital.

Walang tigil ang kaba ni Jericho.

Ano ang sakit ni Maia?

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with