Na-stroke dahil nakabili ng hot car online!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

MAKAILANG ulit nang nagbigay babala ang BITAG Pambansang Sumbungan na huwag maakit sa mga alok online, mapa­serbisyo man o produkto na may pangakong mababang presyo at no-stress transaction. Lalo na kung ‘di siguradong reputable ang ka-transaksiyon, maglubay ka na. 

Etong estilo ng pagbebenta ng mga sasakyan online, sadyang delikado, diskumpiyado. Hindi ka makakasiguradong lehitimo ang papeles ng mga sasakyan. Wala ka ring kamalay-malay na karnap na pala ang nabili mo.

Mas malaki ang problema kung nabighani ka lang sa itsura ng sasakyan at tinamad kang ipaberipika ang mga papeles nito bago ka magbayad.

Dalawang linggo na ang nakararaan, isang van ang nabili online ng magkumpareng humingi sa amin ng tulong.  Peke raw ang plate number ng sasakyan.

Paano nila nalaman? Nang minsang ibiyahe ang van, hinuli sila ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa probinsiya ng Quezon.

Aminado naman ang dalawa na ‘di na nila na-check ang mga papeles ng van dahil na-excite sila ng makita sa Facebook na mabibili lamang ito sa halagang P400,000.00.

Sa ngalan ng serbisyo publiko, sinamahan namin ang dalawang nagrereklamo sa HPG sa Lucena City, Quezon.

Paliwanag ng HPG-Lucena City, kung pagbabasehan ang prinisentang papeles ng dalawa, ay mahirap mapatunayan na sila ang may-ari ng van.  Lahat kasi ng dokumentong ibinigay ng kanilang pinagbilhan ay peke.

Sa imbestigasyon pa ng HPG-Lucena City, ang plaka ng van na imbes na machine-pressed, de-pukpok lang ang mga letra’t numerong nakasulat ayon.  Itinuring na hot car ang van na nabili online ng magkumpare.

Payo ng HPG, naiwasan daw sana ito kung idinaan muna sa tanggapan ng HPG ang bibilhing van para sumailalim sa record check. Dito malalaman kung may mga tampered ang mga rehistro ng sasakyan at kung peke ang mga dokumento nito.

Ang ending, walang nagawa ang magkumpare kundi tanggaping natanso sila sa sasakyang nabili online. Kapag ipinagpilitan nilang makuha ang sasakyan, sila pa ang makakasuhan dahil nasa possession nila ang hot car nang malambat ito ng HPG.

Sa sobrang sama ng loob, na-stroke pa ang isa sa mga nagrereklamo.

Paulit-ulit na babala ng BITAG, sa anumang transaksiyon online at sa social media na inyong gagawin, dapat listo at mapagduda dahil hindi lahat ng inaalok online ay totoo at hindi galawang dorobo.

STROKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with