Paghiwalay ng IAS sa PNP, kailangan pa ba?
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

Kamakailan lamang hiniling ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) chief Atty.  Alfegar Triambulo na mahiwalay na sila sa PNP. Panahon na umano para maging independent body ang IAS gaya ng sa ibang bansa.

Idinahilan ni Triambulo na sa kasalukuyang set-up lahat ng kanilang rekomendasyon sa mga pulis na may kasong administratibo ay dumaraan pa sa tanggapan ng chief PNP bago aprubahan.

Bukod pa nga sa hindi nila nabibigyan ng proteksyon ang kanilang mga testigo na natatakot kaya nawawala at nababalewala ang mga isinampang kaso laban sa mga pasaway at abusadong pulis.

Binigyang diin pa nito na kung mahihiwalay sila sa PNP at magiging independent body mas lalakas ang kanilang kapangyarihan at maging ang chief PNP ay kaya nilang irekomendang matanggal sa puwesto  kung may isyu ng mga katiwalian at may matibay na ebidensya laban sa mga ito.

Tutol naman sa ganitong panukala ang DILG at maging ang PNP na kapwa nagsabing nangangailangan pa ito ng masusing pag-aaral.

Kung batas ang lumikha sa IAS sa ilalim ng PNP, dapat may batas din na mag-aalis dito sa command para maging isang independent body.

Kung independent body rin lang ang pag-uusapan para magsagawa ng imbestigasyon sa mga tiwaling pulis labas sa PNP , marami ng ganyan.

Nandyan na ang NAPOLCOM na nag-iimbestiga sa mga kasong administratibo ng mga pulis. 

Mandato ito ng NAPOLCOM,  na bukod pa nga sa kanila at nandyan din ang Ombudsman, nandyan din ang PLEBE ng mga local governmet units.

Mahaba pang balitaktakan ang usaping ito, ang mahalaga ang inaasahan ng publiko ay naisasalang sa masusing mga imbestigasyon ang mga ‘pasaway’ na alagad ng batas saan man probe body ito ipagharap.

IAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with