Jueteng sa Cam Sur, hamon kay Gen. Gamboa!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MASUSUBUKAN ang tikas ni PNP officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa dito sa jueteng operations sa Camarines Sur. Nagdeklara kasi ng “no take” policy si Gamboa mga kosa laban sa illegal gambling kaya magsisilbing halimbawa ang jueteng sa Camarines Sur, na ang nagpapatakbo ay ang gambling lord na si Rudy Santos. Habang nakatutok ang kapulisan sa Bicol sa Senate hearing ni Gen. Oscar Albayalde, sinamantala ito ni Santos at nagbukas ng jueteng niya sa Camarines Sur. Araguuyyy! Subalit ngayong tapos na ang Senate hearing at naupo si Gamboa, nagmamasid ang mga Bicolano kung ano ang gagawin niya sa jueteng operations ni Santos, na siyempre ay nakatimbre kay PRO5 chief Brig. Gen, Arnel Escobal, na isang Davao boy. Hak hak hak! Itong jueteng ni Santos sa Camarines Sur ang dahilan sa pagka-relieve ni Escobal kahapon sa Bicol ah, di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na ang jueteng ni Santos ay aktibo sa 22 bayan at siyudad ng Sipocot, Bula, Nabua, Cabusao, Minabalac, Balatan, Ragay, Bato, Pasacao, Baao, Naga City, Buhi, Bombon, Iriga, Camaligan, Lagonoy, Canaman, San Jose, Pili, Goa, Tigaon at Sagñay. Nagdatingan pa ang jueteng personnel ni Santos mula sa Albay at Quezon kaya sinisiguro ng mga kosa ko sa Bicol na maging ang 14 pang bayan sa Camarines Sur ay magkaka-jueteng din. Kung sabagay, hindi lang sina Gamboa at Escobal ang minamasdan ng taga-Bicol dito sa pag-usbong ng jueteng sa Camarines Sur kundi maging sina Gov. Migs Villafuerte at si Rep. Elray Villafuerte at ang PNP provincial director na si Col. Roderico Roy Jr. At ipinagyayabang din ni Santos na may parating siya sa CIDG, sa Camp Crame at opisina ni National Bureau of Investigation (NBI) director Dante Gierran. Araguuyyy! Teka nga pala! Ang overall coordinator ng jueteng ni Santos sa Camarines Sur ay ang talunang congressional candidate na si Nonoy Magtoto, na pinsan at bagman ni Rep. Elray Villafuerte, anang mga kosa ko sa Bicol. Hayan, maliwanag mga kosa na marami talaga ang nakikinabang sa jueteng kaya hindi dapat si President Digong at PNP lang ang sisisihin. Hak hak hak! Ang maliwanag lang dito, isang tawag lang ni Gamboa kay Roy Jr., tiyak sarado ang jueteng ni Santos.

Kapag hindi kumilos si Gamboa, baka hindi maniwala ang publiko sa «no take» policy niya at maapektuhan ang kandidatura niya sa pagka-PNP chief. Araguuyyy! Malakas naman ang paniniwala ng mga kausap ko sa Camp Crame na kayang-kaya ni Gamboa na huwag tumanggap sa illegal gambling at iba pang pagkakakitaan dahil lumaki siya sa Comptroller family. Abangan!

JUETENG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with