Sugar Mommy (181)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

“NASAAN na ang kasamahan mong hindi natuloy ang kasal, Maia?’’ tanong ni Jericho.

“Wala pa siyang asawa hanggang ngayon. Ang hu-ling balita ko ay nasa isang ospital siya sa Libya at doon nagtatrabaho.’’

“Baka naman dun na siya makakita ng mapapanga­sawa.’’

“Sana nga. Mabait pa naman siya. Naging kasamahan ko siya sa isang ospital sa Makati. Dun kami unang nagtrabaho. Mas nauna nga lang akong makapag-abroad sa kanya dahil siguro na-disappoint siya at tinamad munang mag-abroad.’’

“So talagang totoo na kapag isinuot ang wedding gown e hindi matutuloy ang kasal.’’

“’Yun ang sabi pero siguro nagkataon lang yun. Hindi pa rin ako lubos na naniniwala. Kasi nga nasa tao ang problema. Kung hindi nagtaksil ang boyfriend ng kasamahan ko, e ‘di natuloy sana ang kasal. Nagkataon lang marahil ‘yung pagsusukat ng gown.’’

“Pero siguro para hindi mangyari ang ganun, huwag nang isukat. Para ligtas. Wala namang masama kung susundin.’’

“Puwede rin. Pero ang mahalaga, dapat tapat sa isa’t isa ang magpartner.’’

“Kaya nga ako ay tapat na tapat sa’yo Maia. Ikaw lang ang mahal ko.’’

“Salamat, Jericho.’’

“Wala kang kaagaw sa akin.’’

‘‘Naniniwala ako Jericho.’’

MAKALIPAS ang isang buwan, bigla na namang nahilo si Maia habang masaya silang nagkukuwentuhan ni Jericho.

Nakita ni Jericho na namumutla si Maia.

‘‘Nahihilo ako, Jericho!’’

‘‘Namumutla ka.’’

“Parang kinakapos ako sa paghinga.’’

Hindi malaman ni Jericho ang gagawin.

Bakit nahihilo na naman si Maia. Napapansin din niya na parang nahuhulog ang katawan ni Maia.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with