Ang video games bilang sports: Dapat nga ba?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - October 20, 2019 - 12:00am

NAKASANAYAN na natin na ang mga tinatawag na sports o palakasan ay mga aktibidad na ang mga kalahok ay nagtatagisan ng galing sa lakas, bilis, liksi, tapang, tatag, disiplina at talino at iba pang kompetisyon sa pisikal na abilidad. Kabilang dito ang basketball, baseball, football, volleyball, swimming, marathon, badminton, tennis, gymnastic, diving, boxing, martial arts, cycling, equestrian, weightlifting, archery, at maraming iba pa na kulang ang espasyo ng kolum na ito para mabanggit lahat.

May mga sports na mas higit na isip ang ginagamit tulad ng chess, bridge,  draughts (checkers), Go at xiangqi (Chinese chess). Mind sports ang tawag sa ganitong competitive pero hindi pisikal na mga aktibidad na palakasan. Kinikilala nga ng International Olympic Committee at ng Sport Accord ang nabanggit na mind sports.

Gayunman, sa kasalukuyang panahon, may mga nagsusulong na ituring na sports ang pagla-laro ng video games. Merong argumento na dapat ituring na sports ang video games dahil meron din ditong kompetisyon, may labanan at maraming nanonood. May nangangatwiran naman na ang video gaming ay maaaring gawin ng sino man ano man ang kanilang edad at hindi gaanong nangangailangan ng pisikal na aktbidad kaya hindi dapat ituring na sports.

Kunsabagay, ginagamitan din ng isip ang video games at halos tulad din ito ng chess at iba pang mind sports. Meron na ngang mga international competition sa ganitong laro. 

Parang nakakapanibago lang at nagbubusod ito ng reserbasyon lalo na kung iisipin ang epekto ng mga video games sa mga batang mag-aaral. Hindi nga ba meron nang mga regulasyon na kumokontrol sa pagpapalaro ng mga batang estudyante ng video games sa mga computer shop? Nariyan kasi ang tuksong lalong malululong sa computer games  ang mga bata sa halip mag-aral mabuti kung ganap itong itataguyod bilang sports. Puwede kasi nilang ikatwiran na sports lang ang ginagawa nila. Maliban na lang siguro kung merong magbibigay ng scholarship sa mga estudyanteng nagpapakita ng galing sa sa video games na tulad ng sa kaso ng mga estudyante na nagpapakahusay sa mga pisikal na sports.

Ang isa pang mahirap sa video games, dahil nga hindi ito pisikal na aktibidad, hindi makilos ang katawan ng naglalaro. Gumagana nga ang isip (pati na rin marahil mga daliri na tumitipa sa keyboard at gumagalaw sa mouse)  pero nakaupo lang sa harap ng computer ang naglalaro nang maraming oras. Hindi ito tulad ng mga pisikal na sports na nagtuturo ng pagpapanatili ng malusog na katawan.

Email: rbernardo2001@hotmail.com

VIDEO GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with