EDITORYAL - Mapanganib ang e-cigarettes
(Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

NAPAULAT na maraming kaso nang pagka­kasakit dahil sa paggamit ng electronic cigarettes o vape sa United States. Sa pinakabagong report, mayroon na umanong 1,299 katao ang nagkasakit at 26 na ang namatay dahil sa e-cigarette. Ayon sa report, mabilis ang pagkakasakit ng mga indibidwal na gumamit ng vape at patuloy na iniimbestigahan ito. Sa loob lamang umano ng 90-araw na paggamit ng vape ay marami na agad ang nagkasakit at ang nakapagtataka ang mga gumamit ay dati namang malusog ang pangangatawan o walang iniindang sakit.

Ang balitang ito ay labis na nakaalarma sa Department of Health (DOH) kaya nagbigay sila ng babala sa mga gumagamit ng e-cigarette. Katulong ng DOH ang World Health Organization (WHO) sa pagbibigay ng babala kasunod ng mga pagkakasakit na naitala sa paggamit ng e-cigarette sa US.

Sabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, kumpara sa sigarilyo, mas matindi umano ang nakalalasong kemikal na nakahalo sa e-cigarette. At hindi lamang umano ang mismong gumagamit nito ang apektado kundi pati na rin ang nakalalanghap ng second hand smoke. Damay sa pagkakasakit ang nakalanghap kaya mas mapanganib ang hatid nito. Delikadong malanghap ng mga batang kasama sa bahay sapagkat maaari silang magkasakit. Kaya ang panawagan ni Duque, itigil na ang paggamit ng e-cigarettes sapagkat hindi ito mabuti sa lahat. Hinihikayat ng DOH ang mga kabataan, ganundin ang mga buntis na huwag gumamit nito.

Isang paraan para lubusang maitigil ang paggamit ng e-cigarette ay ang itaas ang excise tax nito. Ito lamang ang paraan para masawata ang mga kabataan. Itaas ang tax katulad ng ginawa sa mga yosi. Sa kasalukuyan, nabawasan ang mga nagyoyosi dahil sobrang taas ng presyo ng sigarilyo. Huwag tangkilikin ang e-cigarette na mapanganib sa kalusugan.

 

E-CIGARETTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with