OT pay ng NAIA-BI, pinag-uusapan
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

IKINATUWA ng mga kawani sa Bureau of Immigration partikular ang mga nakatalaga sa mga international airport dahil ang matagal na nilang minimit-hing ‘overtime pay’ na tinanggal sa kanila ay ibabalik na ni Boss Digong.

Kaya naman very happy silang lahat lalo’t yong mga taga - NAIA dahil malaking halaga ang maibabalik sa kanila kapag ipinatupad na ang pagbabalik ng OT para sa mga kawani ng immigration, Bureau of Customs at Bureau of Quarantine.

Noong 2010, ay inalis ang kanilang mga OT ng mga politikong pulpol kaya naman galit na galit ang mga nasabing empleado na nawalan ng pitsa.

May ibang taga-immigration ang nagbitiw sa kanilang trabaho lalo’t iyong mga bagong pasok dahil kulang na kulang ang sinasahod nila at hindi kasya sa pamilya.

Sabi nga, sa pamasahe lamang papuntang airport ay ubos na ang kanilang sahod.

Ika nga, paano pa sila kakain sa opisina?

Hindi biro ang nagbitiw noon sa airport kaya nalagay sa balad ng alanganin ang arrival at departure operation ng BI dahil kulang sila sa immigration officers.

Sabi nga, ang pila ng mga pasahero sa lahat ng international terminals sa NAIA ay malala.

Bukod pa sa mainit noong mga panahon na wala silang OT.

Ika nga, mga highblood ang karamihan? Hehehe!

Sa balitang kumalat sa mga kawani ng immigration the other day masaya halos lahat ng mga taga-NAIA dahil 2 semester at magpapasko sana mai-release na ang OT nila.

Thank you Lord!

• • • • •

Si Albayalde et al

Kailangan magkaroon ng matibay na ebidensiya laban sa mga inaakusahang pulis na tinaguriang ‘ninja cops’ para swak sila sa kulungan kapag napatunayan silang nagkasala.

Si dating CPNP Oscar Albayalde, ay kailangang mapatunayan na inosente siya sa ibinabatong isyu laban sa kanya dahil ang mga alipores nito ang diumano’y sinasabing nag-recycle ng mga nahuling shabu noon sa Pampanga.

Lalo’t naniniwala ang madlang people na totoo ang recycling issue dahil ang apat sa bataan nito ay inireklamo ng isang pamilya na nang hulidap umano sa kanila sa Antipolo City.

Sabi nga, korte lang ang makakapagligtas kina Albayalde et al para malinis ang kanilang pangalan.

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with