4-anyos sa uk, pinakabatang DJ sa mundo
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

NAKAMIT ni Archie Norbury, na kilala rin bilang DJ Archie, ang record title para sa pagiging pinakabatang club DJ sa mundo sa edad niyang 4 na taon at 130 araw.

Upang maitala ang Guinness World Records title, kinailangan ni Archie na magpatugtog ng isang set ng kanta ng hindi ginagabayan ng ninuman sa loob ng isang oras sa harap ng isang audience na hindi bababa sa 20 katao.

Isinagawa ang kanyang world record attempt sa Hong Kong nightclub na “Bungalow” kung saan 1 oras siyang nagpatugtog sa harap nang maraming tao ng classic house dance music.

Ipinanganak si Archie sa Dubai ngunit lumipat ang kanyang pamilya sa Hong Kong. Dalawang taon pa lang ay nagdi-DJ na si Archie, na unang natuklasan ang kanyang talento matapos niyang panoorin ang kanyang ama na isang DJ din habang nagpapatugtog ito sa kanilang bahay.

Ang pinakamalaking naging performance ni DJ Archie ay sa Essex sa UK kung saan 7,000 katao ang dumalo.

 

DJ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with