Gibaan sa PNP, tuloy pa!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Puro “hearsay” lang ang akusasyon nina Baguio City Mayor Benjie Magalong at deputy niya sa CIDG na si Rudy Lacadin laban kay retiring PNP chief Gen. Oscar Albayalde, ayon kay Palace spokesman Salvador Panelo.

Kapag isinampa ang kasong kriminal laban kay Albayalde sa korte tinitiyak ni Panelo na hindi tatayo ito. Walang saysay, ‘ika nga. Hindi rin puwedeng ebidensiya ang sinabi ni Lacadin na joke lang ang pagkasabi ni Albayalde na konti lang ang napunta sa kanya sa drug recycling ng mga tauhan niya noong provincial director pa siya ng Pampanga police.

Maging si Sen. Ping Lacson, na amo ni Magalong, ay nagsasabing walang direct evidence sa partisipasyon ni Albayalde sa drug recycling. Kahit magsisigaw pa sina Panelo at Lacson na walang sapat na ebidensiya laban kay Albayalde, eh para ano pa? Kasi nga non-duty status na si Albayalde dahil sa hindi makayanan ang kaliwat’ kanang pagbatikos sa personal niya kaya hindi na niya mapalakad nang maganda ang PNP. Araguyyy! Hak hak hak! Mukhang huli na ang paglilinis nina Panelo at Lacson sa pangalan ni Albayalde, na pati imahe ng PNP ay dumausdos pababa.

Ang masama niyan, kahit naupo na si Lt. Gen. Archie Gamboa bilang OIC ng PNP, aba hindi pa rin matapus-tapos ang gibaan sa mga opisyales ng kapulisan.

Kaya ang panalangin ng mga kosa ko sa Camp Crame, mamili na si President Digong kung sino ang papalit kay Albayalde para mahinto na ang gibaan, na ang imahe ng PNP ang naaapektuhan. Kung giniba si Albayalde sa Senate hearing, itong post naman ni Denver Arnais sa social media, na ipinarating sa akin ni kosang Cecille Suerte Felipe, ay mukhang may pinatatamaan din.

Sa pagpili ng kapalit ni Albayalde, dapat arukin talaga ni Digong ang background ng mga kandidato para ang magwagi ay walang bahid ng droga o “ninja” cop. Hindi umano malilinis ang PNP at hindi matatapos ang “ninja” cops  isyu kung ang heneral na ito ang magiging chief PNP, ani Arnais. Sinabi pa ni Arnais na tumanggap ang heneral ng P400,000, noong hepe pa siya  sa isang siyudad sa Metro Manila, mula kay Col. Dueñas para palayain at hindi kasuhan ang asawa ni Peter Co na nahuli ng mga bataan niya noong 2010. Araguuyyy!.

Ayon pa sa post ni Arnais, tumanggap din ng P150,000 si Heneral sa asawa ng isang Chinese drug lord na dumaan naman sa isang Col. Agcaoile, na kasama ni Col. Dueñas sa PRRD drug list. Nakinabang din umano si Heneral sa video karera kaya malakas magsabong. “Huwag magkamali sa pagpili. Parang awa n’yo na. Para sa bayan,” yan ang panawagan ni Arnais kay Digong. Hak hak hak! Walang katapusan talaga ang gibaan sa PNP ano?

Tinitiyak naman ng mga kosa ko na hindi si Gamboa ang pinatatamaan ni Arnais dahil sa Comptroller family siya lumaki. ‘Ika nga, walang bahid ng droga at “ninja” cop si Gamboa, na mukhang maayos naman ang direction ng PNP sa ilang araw na naging OIC siya.

Dapat siguro gawing acting PNP chief ni Digong si Gamboa para magkangipin siya at lalong maisulong ang mga plano niyang iangat ang imahe ng PNP habang namimili pa siya ng kapalit ni Albayalde. Ayos ba PNP Legal Service chief Col. Matt Baccay Sir? Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with