Anak na inakalang namatay 30 taon na ang nakararaan, natagpuan muli ng ina dahil sa DNA Test
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 18, 2019 - 12:00am

Salamat sa DNA test, natuklasan ng isang ina sa California na buhay pa pala ang kanyang anak na inakala niyang namatay noong isilang niya ito 30 taon na ang nakararaan.

Nagsilang si Tina Bejarano ng isang baby girl noong siya ay 17 anyos pa lamang ngunit namatay daw kaagad ang sanggol mula sa sakit ilang minuto lang matapos niyang iluwal ito ayon sa kanyang ina.

Simula noon, ipinagdiwang ni Tina ang kapanganakan ng bata kahit pa nakapangasawa na siya at nagkaroon na ng pamilya. Hindi raw niya nakalimutan ito at naiiyak pa rin siya hanggang ngayon sa tuwing sasapit ang petsa ng kanyang kapanganakan.

Ngunit kuwento lamang pala ng kanyang ina ang pagkamatay ng sanggol. Ayaw kasi ng kanyang ina ang pagbubuntis niya at ang totoo, ipinamigay nito ang bata.

Nalaman na lang niya na buhay pa pala ito ng kontakin siya ng isang nagpakilalang Kristin matapos siyang kumuha ng DNA test. Ayon sa babae, kumuha rin siya ng DNA test na isinumite niya sa isang database na nagsabing magkatugma raw sila ni Tina ng DNA.

Si Kristin na pala ang anak na inakala niyang namatay 30 taon na ang nakararaan. Ipinamigay pala siya limang araw matapos siyang ipanganak at pinalaki sa Las Vegas ng mga umampon sa kanya.

Nakatakdang magkita ng personal sa unang pagkakataon ang mag-ina sa darating na Nobyembre sa California.

DNA TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with