^

Punto Mo

Bgy. kapitan, nakirambol at nanapak imbes na umawat!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Unang takbuhan ng bawat mamamayan ang barangay bilang mga taga-pangasiwa ng isang maliit na komunidad. Bilang may kapangyarihan, responsibilidad ng barangay ang kaayusan, katahimikan at maayos na kalagayan ng kanyang nasasakupan.

Problemang malaki nga lang kung ang tinatawag na “ama o ina” ng isang barangay ang siyang butangero’t abusado.

Mula pa Negros Occidental ang sumbong, hayok daw sa gulo ang kapitan ng Bgy. Manta-angan. Ang pinagmulan, away babae noong pista ng barangay.

Itong kapitan ng Bgy. Manta-angan, E.B. Magalona, Negros Occidental na si Elmer Samanion, imbes umawat ay nanapak at ipinakulong ang 66-anyos na ginang.

Ang siste ng pananawsaw ni Kapitan Samanion sa away-babae, kapatid pala ng chicks niya ang kaaway. Kung sino ang sinapak niyang senior citizen, ‘yun din ang kanyang pinakulong!

Nakakainit ng ulo, imbes sumunod sa batas at mamagitan sa kaguluhan, siya pa ang unang nanakit at nang-abuso. Kapitan Samanion, lalaki ka ba talaga? O matanda lang ang kaya mong patulan?

Ayon kay Usec. Martin Diño ng Department of Interior and Local Government (DILG), malaki ang pananagutan ni Kapitan Samanion!  Ginamit niya ang kapangyarihan bilang opisyal ng pamahalaan para manakit,  malaki itong paglabag sa batas.

Pormal na tinanggap ni Usec. Diño ang reklamo’t nakatakdang magpunta ang mga biktima sa kanyang opisina. Oras na ‘di tumugon sa imbestigasyon ng DILG, diretso sa Ombudsman ang kasong grave use of authority ang inirereklamong barangay chairman.

Actually, sinubukan ng BITAG Pambansang Sumbungan na kunin ang panig ni Kapitan Samanion pero hindi ito sumagot sa mga tawag namin. Nakaabot na sa kumag na chairman na nasa tanggapan namin ang mga nagrereklamo.

Kapitan, sige lang, magtago ka lang. Pero dahil umabot na sa Pambansang Sumbungan ang kawalanghiyaan mo, may kalalagyan ka.

Hindi ka makakatakbo sa parusang naghihintay sa’yo oras na mapatunayan ng mga awtoridad ang pang-aabusong ginawa mo. Tatayo ang BITAG sa iyong mga biktima sa ngalan ng serbisyo publiko.

vuukle comment

BGY. KAPITAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with