^

Punto Mo

Sugar Mommy (177)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Makaraang dalawin si Maia, tinawagan ni Jericho ang kanyang papa at mama sa Pilipinas para ipaalam sa mga ito ang balak na pagpapakasal.

Gulat na gulat ang kanyang mama. Ang alam kasi ay wala siyang nobya.

‘‘May nobya ka na, Jericho?’’

“Oo naman. Sino naman ang pakakasalan ko kung walang nobya.”

“Wala ka kasing sinasabi kaya nagtataka ako.’’

“Isang nurse ang nobya ko, ‘Ma. Ang kanyang pa-ngalan ay Maia.’’

“Maia?’’

“Opo. Maganda siya at mabait – walang kasingbait. Marunong magluto. Ako ang unang boyfriend. Nag-iisa siyang anak na babae.’’

“Taga-saan siya?’’

“Makati.’’

“Paano mo nakilala?’’

Ikinuwento ni Jericho ang lahat.

Lalong nagulat ang kan­yang mama sa nalaman.

‘‘Ibig mong sabihin, kasamahan din ni Maia ang dati mong nobya na sabi mo’y nabuntis diyan.’’

“Opo.’’

“Mabuti na lang at hindi mo nakatuluyan ang babaing yun, kundi’y magpapakain ka nang hindi mo anak…’’

“Oo nga ‘Ma.’’

“E kailan ang balak n’yo ni Maia na magpakasal?’’

“Sa December nga po.’’

“Talagang wala nang makakapigil?’’

“Opo.’’

“Hindi kaya magipit kayo sa panahon?’’

‘‘Simple lang po ang gusto naming kasal, ‘Ma kaya hindi kami magigipit sa paghahanda.’’

“Sige, sabihin mo lang kung ano ang aming maitutulong para maging mabilis ang preparasyon.’’

“Salamat ‘Ma.’’

KINABUKASAN, nagtu­ngo sa Batha si Jericho. Ti-tingin na siya ng wedding ring na babagay sa kanila ni Maia. Gusto niya, maganda ang sing-sing na isusuot ni Maia.

Sa suki niyang jewelry store siya nagtungo.

Isang magandang sing-sing ang nakursunadahan niya. Tiyak na bagay iyon kay Maia. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with