Kenyan, tinapos ang Marathon ng wala pang dalawang oras
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 16, 2019 - 12:00am

NAGING makasaysayan ang marathon na tinapos ni Eliud Kipchoge kamakailan matapos niyang basagin ang tinatawag na mythical two-hour barrier sa isang park sa Vienna, Austria.

Wala pa kasing nakakatapos ng isang marathon ng wala pang dalawang oras ngunit nitong nakaraang Sabado ay nagawa ito ni Kipchoge matapos siyang magtala ng oras na 1 hour, 59 minutes and 40.2 seconds.

Hawak na ng 34-anyos na si Kipchoge ang men’s world record para sa pinakamabilis na pagtapos ng isang marathon sa oras na 2 hours, 1 minute and 39 seconds, na itinala niya sa Berlin noong September 16, 2018.

Alam ni Kipchoge na makasaysayan ang naitala niyang record sa marathon at ayon sa kanya ay katumbas daw ito ng pag-landing ng tao sa buwan.

Inaasahan din daw niya na matapos ang kanyang nagawa ay marami nang ibang atleta ang susunod sa kanyang yapak at makapagtatala rin ng mga record time sa marathon ng wala pang dalawang oras.

ELIUD KIPCHOGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with