Sugar Mommy (176)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 16, 2019 - 12:00am

“TALAGA bang sinabi mo na sa iyong parents na balak na nating magpa­kasal?’’ tanong ni Jericho.

“Oo. Tuwang-tuwa nga sila.’’

“Gusto na nga sigurong magkaapo, ha-ha-ha!’’
“Kasi’y ako na lamang sa aming magkakapatid ang walang pamilya.’’

“Ilan ba kayong magkapatid?’’

“Apat. Ako lang ang babae.’’

“Talaga?’’
“Oo. Kaya nga tuwang-tuwa sila.’’

“Nag-iisa ka pala, Maia. Nakakahiya naman kung basta-basta na lang ang kasal natin.’’
“Hindi, Jericho. Okey lang na simpleng kasal. Hindi maselan ang mga magulang ko. Mga simple lang silang tao na hindi kailangang gumastos nang malaki sa kasal. Maniwala ka sa akin.’’
“Kasi’t prinsesa ka pala kaya dapat bongga ang kasal.’’
“Hindi Jericho. Huwag mong isipin yun. Kahit nag-iisa akong babae, hindi dahilan yun para maging engrande ang kasal.’’

“Napakabuti pala ng pamilya mo, Maia.’’
“Simple lang ang buhay namin, Jericho at alam ng mga magulang ko na hindi dapat maging bongga ang kasal. ‘Yung simpleng handa lang at mga pami-pamilya ang imbitado ay okey na. Wala kang maririnig sa pamilya ko, Jericho.’’

“Lalo kang napamahal sa akin, Maia.’’
Napangiti lang si Maia.

“Wala na talagang makakapigil para kita pakasalan.’’

Pinisil ni Jericho ang palad ni Maia.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with