Sulutan sa posisyon sa BI
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

KINAKALAMPAG ng isang lady foolish immigration ang kanyang mga bossing para ilipat siya ng puesto sa anumang paraan dyan sa isang district office sa Bohol.

Sabi nga, kahit mag-ala burlesk queen ito ay gagawin niya basta ang importante ay masulot nito sa kanyang kabaro na bebot din ang puestong iniiyak ng foolish lady.

Ayon sa mga kuento from the province, pinaghirapan at pinagtiagaan ng bebot na sinusulot ni foolish lady ang pagsasa-ayos ng kanyang bagong puesto dahil noong una ay walang pumapansin dito at wala rin gustong matalaga sa lugar dahil sa sinusuka ito porke walang foreign tourists at international aircraft ang naglalandi este mali landing pala para makita ang isang magandang lugar sa Bohol.

Sabi nga, tinatabla ang lugar !

Nang matunugan ni foolish lady na anumang oras mula ngayon ay magdaratingan na ang mga international aircraft sa magandang lugar sakay ang napakaraming turista from abroad ay hindi na ito umano makatulog.

Kaya naman kinakalampag niya ang kanyang mga bossing na palitan ang kabaro niyang bebot na nakapuesto sa district office ngayon.

Si foolish lady,  ay inireklamo pala ng CAAP dahil pasaway daw ito tungkol sa usapin ng access pass at violation sa airport security program.

Sana ay mapag-aralan ito ng nakakataas sa BI central office para matuldukan na ang kulit ng pasaway na foolish lady.

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan. 

• • • • • •

CPNP Oscar Albayalde, bumitaw na

Yesterday, umayaw na sa pagka-CPNP si General Albayalde na dapat sanang magretiro this coming November 8.

Sabi nga, mandatory retirement !

Hindi natin alam kung bakit nagbitiw sa posisyon si Albayalde pero ang isa sa pinakamabigat na isyu na ibinabato dito ay ang akusasyon na ibinabato sa kanya tungkol sa recyling of drugs ?

Naging talk of the town si Albayalde halos oras, oras, araw, araw ay lamang siya ng mga balita at pinaguusapan ito.

Sana malusutan ni Albayalde ang mga akusasyon na ibinabato dito dahil pati pamilya niya ang naapektuhan na.

Abangan.

CAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with