EDITORYAL - Hamon kay BuCor chief Bantag
(Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

NOONG 2016, sunud-sunod ang pag-raid sa mga selda sa New Bilibid Prisons. Maraming kontrabando ang nasamsam sa loob -- droga, baril, patalim, ice pick, pera, money counting machine, sex toys, Jacuzzi, aircon at marami pang iba. Naipasok ang mga kontrabando dahil sa pakikipagsabwatan ng inmates sa mga prison guard. Binabayaran ang mga guard para maipasok ang mga kontrabando. Marami ring gumawa ng kubol doon. Pero makaraang masalakay, nagpatuloy pa ang pagpapasok ng mga kontrabando.

Para mapigil ang pagpapasok ng mga kontrabando, inilagay ang Special Action Force (SAF) para magguwardiya sa NBP pero hindi rin nasawata ang pagpapasok ng kontrabando gaya ng droga. Naging korap din ang mga guard na SAF kaya nagpatuloy ang pagpasok ng shabu at mga armas. Naging ka-sabwat din ng mga bilanggo ang SAF. Pera-pera lang ang katapat para makapagpasok ng anuman.Walang nakitang pagbabago sa NBP kahit na ilang BuCor director na ang namuno. Lalo pa ngang sumama ang mga nangyayari sa loob.

Ngayong may bago nang BuCor Director sa katauhan ni Gerald Bantag, nagbabala siya sa mga corrupt na umalis na sapagkat wawasakin ang mga ito. Una niyang ginawa ay pinagpapalitan ang mga prison guard. Dahil sa mga corrupt na guard kaya nakakapasok ang mga kontrabando.

Noong isang araw, ang mga kubol ng inmates ang pinawasak ni Bantag. Pagkatapos ay sinalakay ang mga selda sa tulong ng mga pulis at gaya nang dati, iba’t ibang kontrabando na naman ang nakuha. Nakakumpiska ng droga, bladed weapon, pera, cons­truction equipment, ice cream freezers, sex toys at marami pa. Punumpuno sa truck ang mga nakuhang kontrabando.

Dahil sa mga corrupt na prison guard kaya naipapasok ang mga kontrabando. Tama lang na palitan ang mga ito. Sabi ni Bantag, ipagpapatuloy ang pagsalakay sa mga selda  at ganundin ang pagwasak sa mga illegal kubol. Pero hinahamon si Bantag sapagkat dalawang granada ang sumabog habang nagsasagawa ng clearing operations.

Patunayan ni Bantag na kaya niyang putulan ng pangil ang mga naghahari-harian sa loob. Ipatikim niya sa mga ito ang “aserong kamao”.

BANTAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with