Ang mautak na negosyante
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MAY Indian businessman na pumasok sa isang New York bank. Sinabi niya sa loan officer na gusto niyang umutang ng $5,000 na gagamitin niya sa isang negosyo.  Ang collateral na ibibigay niya sa banko ay ang kanyang Ferrari car na naka-park sa harapan ng banko. Pagkatapos maibigay ng Indian ang mga requirements at nalamang in good condition ang Ferrari matapos itong suriin ay agad nilang pinautang ang Indian. Ang Ferrari ay agad kinuha ng banko at inilagay sa kanilang garahe. Ang presyo ng Ferrari ay $750,000 nang panahong iyon at ginamit itong collateral sa loan na $5,000 lamang? Pinagtawanan ng bank president at loan officer ang Indian.

Pagkaraan ng two weeks, bumalik ang lalaki sa banko at binayaran ang $5,000 na utang. Dahil tumagal lamang ng two weeks, ito ay pinatawan lang ng $15.41 interest. Ang sabi ng loan officer sa lalaki matapos ibalik ang susi ng Ferrari sa Indian:

“Sir, salamat po at napili ninyo ang aming banko na makatulong sa inyong negosyo. Ngunit kami po ay nagtataka kung bakit kailangan pa ninyong umutang ng $5,000 samantalang napag-alaman naming isa pala kayong bilyonaryo.”

Ngumiti lang ang Indian at nagpasalamat. Sa loob-loob lang niya: Saan ka makakatagpo sa New York City na ang presyo lang ng parking ay $15.41 sa loob ng dalawang linggo habang secured na secured pa ang aking sasakyan.

Ang lalaki ay may inasikasong business sa India at kailangan niyang iwanan sandali ang kanyang Ferrari. Mahal ang bayad sa parking space kung dalawang linggo ang itatagal ng kanyang sasakyan kaya’t idinahilan niya ang pag-utang sa banko upang mai-park ang sasakyan sa safe na lugar na hindi niya kailangang magbayad nang malaki. Ang mautak na Indian ay si Vijay Mallya, ang  ilan sa kanyang negosyo ay United Breweries Group at Kingfisher Airline. Nang mangyari ang kuwentong ito, siya ay 38th billionaire sa India at ika-879 bilyonaryo sa buong mundo, ayon sa record ng Forbes noong 2011. Nagkaroon man siya nang maraming problema sa kasalukuyan, nasa listahan pa rin ng mga milyonaryo.

NEGOSYANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with