Mga ilegal sa Bilibid matagal na nakunsinti
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Patuloy at walang humpay ang ginagawang pagdedemolis ng mga illegal structures o kubol na natayo sa loob ng maximum security compound sa Bilibid na sinimulan noong nakalipas na Miyerkules.

Sanib-pwersa ang aabot  sa  1,800 tauhan mula sa Bureau of Corrections (BuCor), National Capital Regional Police Office (NCRPO), Armed Forces of the Philippines (AFP), katuwang rin ang Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Fire Protection, PNP Special Action Force, Bureau of Jail Ma-nagement and Penology at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagtulungan sa operasyon.

Ang ilan nga konkreto pang itinayo kaya nga isang backhoe pa buhat sa DPWH ang hiniram at pinanggiba sa mga ito.

Hindi pa yan,  patuloy na nakakasamsam ng ilegal na droga, armas at iba pang ilegal na gamitan at kapritso sa loob ng maximum security compound.

Malawak pa ang mga illegal structures  na sinasabing gigibain, palatandaan na matagal na  panahon itong nakunsinti. Eh sa  mga kubol pa naman umano  nagaganap ang mga ilegal na transaksyon lalo na sa droga.

Hindi kataka-taka na kaya pala patuloy na nakakapag-transaksyon kahit na nasa loob ng piitan ang maraming drug lord.

Ngayong inupo na dito bilang bagong BuCor director general si Gerald Bantag, malaki ang inaasahan sa kanya na tuluyang mapatino ang Bilibid . Masawata nang lubusan ang paghahari-harian ng mga maimpluwensya at mapeperang bilanggo dito na siyang ugat kaya may mga opisyal at tauhan dito ang nasisilaw at nasasasangkot sa korapsyon.

Maigi na rin ang laging nababalasa ang mga tauhan rito, dahil ang pagiging pamilyar ay nagiging ugat ng korapsyon.

BILIBID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with