Eleazar, people’s choice sa pagka-PNP chief!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MUKHANG may magkaibang manok sina Palace spokesman Salvador Panelo at Sen. Bong Go sa pagka-chief ng Philippine National Police na babakantehin ni Gen. Oscar Albayalde sa Okt. 29.  Ayon kay Panelo, kailangang ang papalit kay Albayal­de ay “honest and competent” samantalang ang kay Go naman ay “seniority” at unity sa nagkawatak-watak na PNP dahil sa Senate hearing kung saan nagiba ang imahe ni Albayalde. Sa pagsasabing “honest” at competent, sa tingin ng mga kosa ko sa Camp Crame ang manok ni Panelo ay si NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar habang kapag seniority at unity naman ni Go ay si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan. Subalit hindi naman si Panelo at Go ang pipili ng kapalit ni Albayalde kundi si President Digong na nagsasabing ayaw niyang madapa sa magiging desisyon, meaning dapat hindi magamit ang bagong PNP chief, lalo na sa war on drugs, sa 2022 elections. Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya ang dapat piliin ni Digong ay hindi kaalyado nina Sen. Ping Lacson at protege na si Baguio Mayor Benjie Magalong, na tahimik pa sa plano nila para sa 2022 elections, dahil pag nagkataon nganga ang sinumang i-endorso niya. Get’s n’yo mga kosa?

Sinabi ni Go na sina Cascolan, Eleazar at Lt. Gen. Archie Gamboa na lang ang pagpipilian ni Digong at ang mga sumabit na mga pangalan na kandidato ay mga saling pusa lamang. Kaya kung anu-anong analysis na ang kumakalat sa Camp Crame, at sinisiguro ng mga kausap ko na kung sino ang uupo sa tatlo ay ang mga “bataan” nila ang makikinabang. Araguuyyy! Anila kapag si Eleazar ang pipiliin ni Digong, ipagpapatuloy nito ang lahat ng programa ni Albayalde kaya’t buo pa rin ang PNP. Sinabi nila na honest at competent si Eleazar at makikita naman ito sa trabaho niya at higit sa lahat hindi naninira sa mga kalaban niya sa pagka-PNP chief. Tiyak, pag-iibayuhin pa ni Eleazar ang war on drugs ni Digong, pati ang internal cleansing sa PNP at ang paghubog at paggiya sa mga bagong police recruits na mismong mino-monitor at winalis niya ang tinatawag na “palakasan” at “padrino” system. Tinawag ni kosang Ver Noveno si Eleazar na “people’s choice” sa pagka-PNP chief. Subalit ang maari lang ibato kay Eleazar ay ang pagiging tauhan siya ni dating PNP chief Alan Purisima. Si Gamboa naman ay neutral lang at maari rin ipagpatuloy ang mga programa ng mistah niya. Kaya lang inungkat ng mga kosa ko na nagsalita si Digong na may isang heneral sa Davao na ang pintuan ng bahay ay isang milyon na ang halaga at sa tingin nila si Gamboa ang pinatatamaan. Araguuyyy! Kapag si Cascolan naman ang mapili, tinitiyak ng mga kausap ko na laglag ang pakpak ng mga command group, kahit mga mistah niya, at ang matitira lang ay sina Maj. Gen’s. Mariel Magaway ng DHRDD, at Rey Biay ng DRD. Sibak din tiyak ang mga bataan ni Albayalde. Sa ngayon kasi mga kosa, iniitsa-puwera ng mga mistah n’ya si Cascolan at hindi kasama ito sa usapan sa promotion, assignments at iba pa.  Subalit kung ang war ang drugs ang pag-uusapan, paiigtingin pa ito ni Cascolan ang ama ng Oplan Tokhang. Araguuyyy! Bukas na ang command conference sa Palasyo at maaring i-anunsiyo na ni Digong ang choice niya sa pagka-PNP chief. Sino ang manok n’yo mga kosa? Abangan!

ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with