Sugar Mommy (174)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

BIYERNES ng hapon, dinalaw ni Jericho si Maia. Gusto sana ni Jericho na huwag muna itong puntahan para makapagpahinga nang maayos kung Biyernes pero mapilit ang nobya. Sabi ni Maia, hindi naman daw siya nahihirapan at nakapagpahinga na rin naman.

Bumili ng pasalubong si Jericho --- sariwang ubas na binili niya sa isang supermarket sa Rawdah. Mabuti ang ubas sa katawan. Kailangan ni Maia ang prutas para maging malakas ang katawan.

Nang buksan ni Maia ang pinto, hindi mailarawan sa mukha nito ang saya na para bang isang taon silang hindi nagkita.

‘‘Kumusta Maia?’’ sabi ni Jericho kasunod ang pagdampi ng labi sa pisngi ng dalaga.

‘‘Okey na okey na ako, Jericho.’’

Iniabot ni Jericho ang pa-salubong na prutas.

“Salamat. Halika.’’

Pumasok si Jericho.

“Hindi ka ba napagod ngayon, Maia?’’

“Hindi naman. Nagawa ko na ang mga dapat kong gawin kasi nga alam kong dadalaw ka.’’

“Sa ospital kumusta ang duty mo?’’

“Kumpleto na ang staff namin kaya hindi na ako stress. Medyo nakahinga na nang maayos.’’

“Salamat naman. Palagay ko nga dahil sa pagod kaya ka nahihilo.’’

‘‘Oo. Kulang din ako sa tulog.’’

‘‘Kaya nga ayaw muna sana kitang dalawin dahil alam kong kailangan mo ang pahinga.’’

‘‘Lalo akong magkakasa-kit kapag hindi kita nakita, Jericho.’’

“Talaga? Kasalanan ko pa pala kapag nagkasakit ka, ha-ha-ha!’’

“Oo. Ikaw ang may kasalanan, ha-ha-ha!’’

“Walang biro, Maia, tala-gang gustung-gusto mo akong makita?’’

“Oo. Bakit ikaw, hindi?’’

“Aba siyempre, ganundin ako. Ang inaalala ko lang ay baka hindi ka makapagpa-hinga.’’

“Ang pagdalaw mo ay sapat na para hindi ako magkasakit.’’

“Ay ang sarap pakinggan. Isang kiss nga riyan sa mapupula mong labi.’’

“Ay ano ka, sinusuwerte?’’

“Isang kiss lang Maia. Sige na.’’

“Baka masanay ako na lagi mong halikan, Jericho.’’

“E ‘di mas maganda, ha-ha-ha!’’

Umirap si Maia.

‘‘Sige na Maia, pa-kiss na.’’

‘‘Sige na nga!’’

Tuwang-tuwa si Jericho.

(Itutuloy)

 

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with