EDITORYAL - Wala pa ring tigil ang kidnapping sa Mindanao
(Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

MAY martial law sa Mindanao mula pa 2017 pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang kidnapping sa rehiyon. Hindi rin nakapigil ang batas militar sapagkat nagpapatuloy pa rin ang pagdukot. Nakakalusot pa rin ang mga masasamang loob na nagdudulot ng takot sa mga dayuhang nais magtungo sa Mindanao. Sino ang magnanais magtungo sa isang lugar na nag-aabang ang mga kidnapper?

Pinaka-huling biktima ng mga kidnapper ang isang negosyanteng British at kanyang Pilipinang asawa sa Tukuran, Zamboanga del Sur noong Biyernes. Ayon sa report, dakong 6:30 ng gabi nang dumating ang mga armadong lalaki na sakay ng motorized banca at puwersahang isinama ang mag-asawa. Mabilis na umalis ang mga bangka sa magkaibang direksiyon. Ang mag-asawa ay may-ari ng isang resort at meron din ang mga itong eskuwelahan.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang lead ang pulisya kung saan dinala ang mag-asawa. Wala rin uma­nong kumokontak sa mga kamag-anak ng biktima. Blanko sila sa motibo ng pagkidnap. Umapela ang pulisya sa sinumang nakakita sa grupo at mga biktima ay ipagbigay-alam sa kanila. Nag-offer na ng P1 milyon ang provincial government ng Zam boanga del Sur sa makapagbibigay ng impormas­yon sa mga kidnappers para matugis ang mga ito at ma-rescue ang mag-asawa.

Isang negosyo ang kidnapping sa Mindanao na karaniwang ginagawa ng mga bandidong Abu Sayyaf. Nagkakapera nang malaki ang Sayyaf sa pangingidnap at hindi mahuli-huli ang mga ito sapagkat pinagtatakpan ng mga tao sa kanilang lugar. Nakikinabang sila sa ransom money.

Wala pang nakaaalam kung Abu Sayyaf ang dumukot sa British at asawa nito. Pero sino lang ba ang may kakayahang dumukot kundi sila. Isagawa ang paghahanap sa mag-asawa. Iligtas sila sa mga kuko ng kidnapper. Hangga’t hindi sila naili-ligtas, may agam-agam ang mga dayuhan kung magtutungo sila sa bansa. Pawiin ang kanilang takot at pangamba sa pamamagitan nang pag-rescue sa mga biktima at pagdurog din naman sa mga kidnaper.

 

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with