Gabay para sa magaan na buhay
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

Pag-aralin ang iyong mga anak sa eskuwelahang kaya ninyo ang tuition fee. Hindi ka nakakatiyak ng good result sa mamahaling eskuwelahan. Ang importante ay may oras kang gabayan sa pag-aaral ang iyong mga anak at hindi lang iaasa ang edukasyon sa mga guro nila sa eskuwelahan. Ang good training sa bahay ay nakakadagdag ng talino sa mga bata.

Umupa ng apartment na kaya ng iyong budget. Huwag tumira sa bahay na hindi mo kayang bayaran. Magiging sanhi lang iyan ng stress.

Iwasang ipangutang ang gagastusin sa panganganak. Mayroon kayong walong buwan para paghandaan ang pagdating ni Baby. At kung walang matatag na trabaho ang mag-asawa, huwag munang mag-anak. Masaya nga ang may anak, ngunit magiging masaya ka pa ba kung ihit na sa pag-iyak ang iyong baby dahil wala kang pambili ng gatas? Kung walang makaing masustansiya ang ina, paano siya mabibiyayaan ng masaganang gatas na ipapasuso sa anak?

Bilhin ang sasakyang matipid sa fuel at hindi masirain. Siguraduhing kaya ng iyong suweldo ang ipanghuhulog mo rito. Kung hindi mo kayang bumili ng brand new, huwag mong gagawing option ang pagbili ng segunda mano. Sakit lang ng ulo ang idudulot nito sa iyo.

Kumain ng healthy meal. Protektahan ang iyong pamilya laban sa lamok. Maging malinis sa paligid upang maiwasan ang pagpapadoktor at pagpapaospital.

Mabuhay nang simple ngunit may dignidad.

BUHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with