Libreng WiFi sa buong bansa
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - October 13, 2019 - 12:00am

NOONG Oktubre 8, 2019, magkakasabay na inilunsad sa 17 rehiyon ng Pilipinas ang 23 internet site sa pamamagitan ng Free WiFi For All program ng  Department of Information and Communications Technology. Mula noong Hulyo, 308 live site ang nadagdag sa umiiral at gumagana nang WiFi site kaya, hanggang noong Oktubre 2, mayroon nang kabuuang 3,000 Wifi hotspot ang ikinabit ng DICT na tinatarget na makakapagpakabit na ito ng kabuuang 8,073 operational live site ngayong taong 2019.

Maaaring, dahil sa rami, hindi na tinukoy o pinangalanan ng DICT ang mga lugar na kinabitan ng libreng Wifi pero sa ginawang paglulunsad sa 23 internet site nitong nagdaang linggo, isa na rito ang sa Metro Manila partikular sa Army General Hospital sa Taguig City na inaasahang mapapakinabangan ng mga sundalong nararatay dito at kanilang pamilyang bumibisita o nagbabantay sa kanila. 

Batay sa batas na Republic Act No. 109289 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2017, kakabitan ng mga libreng WiFi ang mga pampublikong lugar tulad ng mga town plaza, opisina ng gobyenro, health center, transport terminal, train station, pier at airport, pampublikong eskuwelahan, libraries, at barangay reading center. Isinasaad din sa batas na ito na kailangang kabitan ng WiFi ang mga computer laboratories at libraries sa mga public basic education institutions at state universities and colleges; main lobbies, hallways ng  public buildings. Kailangan merong madaling makitang signage na nagsasaad na merong libreng WiFi ang nabanggit na mga lugar.

Hindi nga lang malaman kung alin na sa mga naikabit nang WiFi ang gumagana at nagagamit na ng mga gustong magbukas ng internet. Batay sa pahayag ng DICT, target nitong gawing operational ang nasa mahigit 100,000 WiFi sites sa buong bansa pagsapit ng taong 2022.  Ibig sabihin, hindi pa ito puwedeng gamitin ng mga gusto ng libreng WiFi ang marami rito.  May nabalitaan akong ilang problema sa Free Wifi program na sabi nga ay kumplikado at hindi simpleng magagawa pero, kung magiging matagumpay ito, malaking pakinabang sa mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap na walang kakayahang makapagbukas ng internet na naging malaking pakinabang na sa maraming aspeto ng buhay sa ating lipunan.  Pero, sana naman, dahil libre na hindi na kailangan ang password, mabilis ang kuneksyon nito sa internet kahit pa gaano ang dami ng gumagamit nito sa isang Wifi hotspot.

WIFI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with